Chapter 9

2093 Words
Maaga akong nakauwi ng bahay at kailangan kong puntahan si Theo ngayon. Hindi ako pumayag na puntahan niya ako sa school. Nagsinungaling ako kaya hindi na rin siya namilit pa. Nag-promise ako sa kaniya na magdi-dinner kami ngayon at ang bilis lang din talagang lumipas ng araw ngayon. Nagbihis na ako at nag-ayos nang kaunti. Paglabas ko ng kuwarto ay siya namang pagdating ni Jeremiah. “Aalis ka?” tanong niya. Tumango naman ako. “Erm, oo eh. Magdi-dinner kami ng boyfriend ko,” sagot ko. “Nice,” tanging sabi niya. Napakamot naman ako sa batok ko. Ngumiti siya at pinasadahan ang suot ko. “Bagay ba?” tanong ko. “Kahit ano naman ang suot mo bagay sa ‘yo. You always look gorgeous,” sagot niya. Sumikdo naman ang dibdib ko sa sagot niya. “Niloloko mo na naman ako eh,” reklamo ko. Ngumiti naman siya at umupo sa couch. T’saka ko lang napansin na parang matamlay siya. “Are you okay?” usisa ko. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. “Napagod lang sa game kanina,” sagot niya. “Gusto mo ipagluto muna kita bago ako umalis?” wika ko. Tiningnan naman niya ako. Tumayo siya at nilapitan ako. Saktong hanggang baba niya lang ako dahil sa tangkad niya. Hinawakan niya ang buhok ko at bahagyang ginulo iyon. “Ano ba?” reklamo ko. Ngumiti siya sa ‘kin. “I’m fine, I just need to rest,” mahinang saad niya. “You should go now. Baka ma-late ka na sa dinner niyo. Don’t worry about me. O-order lang ako mamaya,” aniya. Hinawakan ko ang noo niya at napakunot-noo. “Mainit ka, nilalagnat ka yata Aya. Saglit lang,” wika ko at pumunta sa kuwarto ko para kunin ang first aid kit ko. Akma pa nga siyang pipigilan ako pero wala na siyang nagawa. Bumalik din naman ako kaagad at hinila siya paupo sa couch. Kinuha ko ang digital thermometer ko at inilagay sa armpit niya. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Ilang sandali pa ay tumunog na iyon at nasa 37.8degree Celsius ang temperature niya. “Aya may lagnat ka,” wika ko. Tiningnan ko ang mga gamot at kumuha ng paracetamol. “Heto, inumin mo ‘to ha. Teka lang, ako na tatawag ng food delivery service.” Akmang magda-dial na ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya na may halong pagtataka. Malalim ang kaniyang hininga at matamlay ang mata. “I’m fine. Kaya ko ang sarili ko. This is not my first time being sick. Sige na, you have to go. Huwag kang magpapagabi ng uwi. Kung gagabihin ka talaga just call me at susunduin kita. Don’t worry, hindi naman ako magpapakita sa jowa mo,” aniya. Sinalubong ko naman ang tingin niya. “Are you sure?” usisa ko. Tumango naman siya. “Sige na. Kung hindi ko na kaya ako na mismo magpapa-hospital sa sarili ko,” sagot niya. Huminga ako nang malalim at napatingin ako sa phone ko. Marami ng text galing kay Theo. “S-Sige, tawagan mo ako kung need mo ng tulong ha. Uuwi agad ako,” sambit ko. Tumango naman siya. “Sige na, alis na. Just enjoy your night,” aniya. Nag-aalangan naman ako pero hindi naman puwedeng huwag kong puntahan si Theo. Sumakay na ako sa taxi at tumawag sa isang Filipino restaurant. Nag-order ako ng lugaw at sabaw para sa kaniya. Tinext ko na lang siya na nakapag-order na ako. T’saka ni-remind na rin sa gamot niya. Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala sa kaniya. Iba kasi talaga ang pakiramdam niya. Pagdating ko sa lobby ng hotel ay kaagad na nakita ko si Theo. He looks dashing. Napakaguwapo niya sa suot niya. Stand out talaga ang beauty niya. “Babe,” aniya. Nilapitan ko naman siya. Kaagad na hinalikan niya ako sa pisngi. “I’m sorry I’m a bit late,” wika ko. “It’s fine, as long as you came,” sagot niya. May sasakyan naman siyang ginagamit na ni-rent niya kaya malaya kaming nakapupunta kahit saan. Huminto siya sa isang French restaurant. May reservation pala siya roon. Pumasok na kami sa loob at kaagad na in-assist ng waitress. Maganda ang service nila. Nang makapag-order ay umayos na ako sa aking pagkakaupo at napatingin sa harap. May nagvi-violin doon. “You like it?” tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Napakaganda ng ambiance ng lugar. A fancy restaurant at makikita mo naman sa mga nandito na puro mga mayayaman. Nakakapasok ako sa mga magagarang restaurant dahil kay Theo. Hindi naman dahil sa hindi namin afford ang ganito. Mas prefer lang talaga ng pamilya ko na magkasama kami sa mga importanteng okasiyon at nasa bahay lang. “You look beautiful as always,” komento niya. “Thank you,” sagot ko at ngumiti. “You made me fall in love with you more. I can’t wait to be with you for the rest of my life,” aniya at hinawakan ang kamay ko. Natuwa naman ako sa sinabi niya. “I have something to give to you,” wika niya. “What is it?” Na-curious naman ako kung ano. “Later,” aniya. May pa-suspense rin eh. Ilang sandali lang naman ay isinerve na ang orders namin. Kumain na kami at lalong naging fancy dahil sa violinist na nasa tabi namin. Ang ganda ng pinatutugtog niya. Nakaka-relax at napakasarap sa pakiramdam. Matapos nga naming kumain ay tumayo si Theo at may ipinasuot sa akin. Napatingin ako sa kuwintas at napangiti. May pendant iyong half-moon na gustong-gusto ko. “I know how much you like moons,” wika niya. Naiyak naman ako. “Happy second anniversary babe,” aniya. Kaagad na napatayo ako at hinalikan siya t’saka niyakap. Bakit ko nga ba nakalimutan na anniversary pala namin ngayon? Ang dami ko kasing iniisip kanina. Inaya niya ako sa gitna at isinayaw. Ganoon din ang ibang guest ng restaurant. “I love you so much,” bulong niya sa taenga ko. “I love you too,” sagot ko at niyakap siya nang mahigpit. Ang saya-saya ng gabi ko. Bumalik na kami sa pagkakaupo at umalis muna siya saglit dahil tumatawag ang mommy niya. Kinuha ko naman ang aking cellphone at may chat si Aya. Binuksan ko naman iyon at napangiti. Picture niya habang kumakain ng lugaw. “Thank you.” Chat niya. Nag-send lang ako ng emoji at napatingin sa oras. Nine pm na pala. Pin-icture-an ko ang pendant ng kuwintas at napangiti. Bandang nine-forty ay umuwi na kami. Gusto nga akong ihatid ni Theo sa bahay pero humindi na ako. Ayaw ko ring mag-stay sa hotel room niya at baka mangyari ang hindi dapat. I’m not ready for it. Bilib lang din talaga ko sa patience niya at nakayanan niya akong hintayin. Iba kasi ang culture ng mga foreigner. Sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Saktong alas diyes na. Dim na ang ilaw sa loob. Ini-lock ko na ang pinto at pumasok sa loob. “Tulog na kaya siya?” Huminto ako sa tapat ng kuwarto niya at idinikit ang aking taenga sa pintuan. Narinig ko ang pag-ubo niya. Hinawakan ko ang door knob at bukas iyon. “Aya?” tawag ko sa kaniya. Hindi siya sumasagot. Pumasok ako at tanging lampshade lang ang ilaw sa loob. Nilapitan ko siya at nakabalot ng kumot ang buong katawan niya. Kumunot ang aking noo nang mapansing nanginginig siya at pawisan ang noo. Hinawakan ko iyon at kamuntik na akong mapasigaw nang hawakan niya ang kamay ko. Nag-abot ag tingin namin at mabilis na hinila niya ako at ipininid niya ako sa kama. “Ay! Jeremiah!” T’saka lang siya natigilan at mabilis na inalalayan ako na makabangon. “S-Sorry, akala ko kung sino,” sagot niya at iniwas ang tingin sa ‘kin. T’saka ko lang napansin na nakalilis na pala paitaas ang suot kong dress. Nakita niya siguro ang katawan ko pero naka-cycling naman ako. T’saka dim naman ang paligid. “Okay lang, pasensiya ka na at pumasok ako. Bukas kasi ang pinto ng kuwarto mo,” sagot ko. “It’s fine, lumabas ako kanina nakalimutan ko pa lang mag-lock. How’s your dinner?” mahinang tanong niya. Medyo paos din ang boses niya. Hinawakan ko ang noo niya. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kagyat na nagkatinginan kami. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang ang lakas ng t***k ng puso ko. Napalunok ako at natauhan nang pumikit siya. “Ang init mo, uminom ka na ba ng gamot?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. Tumayo na ako at inalalayan siyang humiga ulit. Kumuha ako ng basin at towel t’saka dinala sa kuwarto niya. Pinunasan ko siya at aayaw pa sana kaso nagmatigas din ako. Ang taas kasi ng lagnat niya. Pinunasan ko ang likod niya at basang-basa ng pawis. Hininaan ko rin ang aircon dahil napakalamig. “Kaya mo bang magbihis?” tanong ko. Hindi naman siya sumagot. Nakapaikit lang siya. Napalunok ako at kinuha ang t-shirt at pajama niya. “Hindi bale na, madilim naman eh. May sakit ang tao at kailangan ang tulong ko. Ano pa ba ang iniisip kong hindi maganda?” Hinubad ko ang suot niyang damit at binihisan siya. Na-stuck naman ako sa pang-ibaba niya. Hinawakan ko ang sa bandang beywang niya at mabilis na hinila iyon pababa nang may masagi ang kanang kamay ko. Napakurap-kurap ako at medyo matigas iyon. Hindi ako makagalaw nang ilang minuto. Tahimik na nagdasal ako na sana hindi siya nagising at may kasalanan akong nagawa. Hindi ko iyon sinasadya promise. Pikit matang tiningnan ko si Aya na natutulog naman. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang aking loob na suotan siya ng pajama. Sinigurado ko talagang hindi ko natamaan ang kung ano mang matigas na bagay na ‘yon. Nang matapso ay t’saka ko lang napansin ang pawis sa noo ko kahit na malamig naman. Lintik! Nakahinga ako nang maluwag at umupo sa gilid niya. Payapa ang kaniyang paghinga at parang walang sakit na iniinda. Napakaguwapo niya tingnan kahit saang anggulo. Hindi ko namamalayan na nakatitig lang pala ako sa kaniya. Nakaramdam din ako ng antok. Hinawakan ko ang noo niya at mainit pa rin. Kailangan niyang uminom mamaya ng gamot kaya kinuha ko ang kumot at unan na extra. Inilagay ko iyon sa gilid ng baba ng kama at nag-alarm para mapainom siya mamaya. Nagbihis muna ako saglit ng t-shirt at pajama t’saka natulog. Naalimpungatan ako nang tumunog ag cellphone ko. Ginising ko siya at pinainom ng gamot. Sa pagod ko rin ay nakatulog na ako agad. Tiniis ko ang tigas ng sahig. Medyo bumaba na rin ang lagnat niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Nanaginip ako na nakahiga ako sa sobrang lambot na kama. Parang kay sarap magpagulong-gulong. Napangiti ako at pakiramdam ko ay niyayakap ako sa sobrang lambot. Ibinuka ko ang aking mata at natigilan. “Huh?” Mabilis na napabangon ako at napatingin sa paligid. Nasa kuwarto ako ni Jeremiah. Napatingin ako sa kinalalagyan ko at nasa kama na ako at wala siya. Mabilis na tumayo ako at binuksan ang kaniyang kuwarto. Pumunta ako sa kusina at nakita siyang nakaharap sa stove at nagluluto. “A-Aya,” tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa ‘kin at ngumiti. “You’re awake,” saad niya. Napakamot naman ako sa ulo ko. Ang gulo ng kama niya. Kagabi eh sobrang ayos pa nu’n. kabaliktaran talaga kaming dalawa. Nilapitan ko naman siya. “Bakit ka nagluluto?” Hinawakan ko ang noo niya at wala na siyang lagnat. “I’m fine, thank you for taking care of me last night. Hindi mo naman dapat ginawa ‘yon but thank you. I have to cook something nice for you today, pambawi man lang sa pag-alaga mo sa ‘kin,” saad niya. “Hindi naman kailangan eh. Ako na riyan. Baka mabinat ka,” sambit ko. Ngumiti lamang siya. “I’m fine now. Magaling ang nurse ko kagabi,” sagot niya. Napangiti naman ako. “Maligo ka na muna. Ako na ang bahala rito,” aniya. “Sure ka?” paninigurado ko. Tumango naman siya. “Talaga ha? Kung ‘di pa kaya huwag pilitin,” saad ko. Tumango nama siya. “Sige,” dagdag ko pa at pumasok na sa kuwarto ko para maligo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nanlaki ang aking mata. Napakagulo ng buhok ko. Nakakahiya! Kaya siguro panaka-naka ang tingin niya sa ‘kin tapos ngingiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD