Tulog na si Theo bago ako umuwi sa bahay. Pagod siya buong maghapon kaya nakatulog kaagad. Nag-order lang ako ng food niya at nag-iwan ng note. Napatingin ako sa relo ko at alas-nuwebe na ng gabi. Kinakabahan na rin ako. Baka magalit si Aya. Baka isumbong niya ako sa parents namin. Ano na lang ang gagawin ko?
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-log in sa social media account ko. May isang message galing sa kaniya. Binundol ng kaba ang dibdib ko.
“Umuwi ka na, anong oras na.”
Napalunok ako at nakarating na pala ako. Kinuha ko na ang bayad at nagpasalamat. Bukas ang gate kaya pumasok na ako at ini-lock iyon. Bukas pa naman ang mga ilaw kaya hindi pa siguro siya natutulog. Mahina ang aking hakbang na pumasok sa loob. Natigilan ako nang makita siya na nakaupo sa couch sa sala at nakatuon ang tingin sa TV.
“What time is it? Uwi pa ba ‘to ng matinong babae?” tanong niya.
Naipikit ko naman ang aking mata at dumeritso sa tabi niya. I mean, hindi iyong sa tabi niya talaga. May distansiya naman.
Hindi ako nagsalita at ganoon din siya. Hindi niya rin ako tinitingnan. Hinugot ko ang buong lakas ko at tiningnan muna siya.
“S-Sasagutin ko lahat ng tanong mo,” wika ko.
Lumingon naman siya sa ‘kin. Hindi ako makagalaw. Parang nilalamig bigla ang katawan ko sa klase ng tingin niya. Normal na tingin lang iyon kung tutuusin pero dahil may kasalanan ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko’t tutubuan yata ako ng nerbiyos.
“Iyong tanong ko ang sagutin mo. Alam mo naman siguro kung anong oras na. Gabing-gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi? Masiyado ng delikado ang daan. Kung may masamang nangyari sa ’yo kargo kita. Ako ang hahanapan ng parents mo. Ano ang isasagot ko sa kanila kapag nawala ka?” mahinahon niyang wika. Iniwas niya na ang tingin sa ‘kin at nanood ulit ng palabas sa TV.
“S-Sorry, hindi ko na uulitin. May nangyari lang kasi,” sagot ko. Hindi naman siya nagsalita.
“G-Galit ka ba?” tanong ko.
“Do I have a reason to be mad at you?” he answered. Lalo akong hindi makabuwelo sa pagsasalita eh. Kahit hindi siya magsalita I know he’s pissed. Alam kong may sasabihin lang akong mali paniguradong sisinghalan niya ako.
“I-Iyong nakita mo kanina...b-boyfriend ko ‘yon. He’s Theo at hindi alam ng pamilya ko ang tungkol sa kaniya. Hindi ko sinabi sa kanila dahil alam kong magiging malaking problema ‘yon.”
“And you think him coming here is not a problem? Daisy, don’t take this as something else. Gusto ko lang malaman mo ang consequences nitong lahat. Hindi naman habang-buhay maitatago natin ang totoo. You won’t have a problem with me. Your secret is safe with me. Alam mo namang walang usok na hindi lumalabas. Malalaman at malalaman din nila ang totoo,” giit niya.
“But he’ll leave after a week,” saad ko.
“Does he know?”
“Aya, ngayong linggo lang siya rito. Uuwi rin siya kaagad.”
“Does he know?” ulit niya.
Napasandal ako sa couch at tiningnan siya. Umiling ako bilang sagot.
“Damn!” Mahina pero may diin.
“What if he’ll find out about us? Ano ang sasabihin mo sa kaniya? How will he react? Daisy, I think you’re making things complicated. Gulo ‘to I swear to you,” wika niya. Tiningnan ko lang siya. Gusto kong umiyak. Pinipigilan ko ang sarili ko pero hindi ko na kaya. Ang gulo-gulo na rin kasi ng utak ko. Ang dami kong dinadala. Hindi ko naman ginusto ang kasal na ‘to in the first place. Ito naman talaga ang puno’t-dulo ng lahat. Hindi ko naman maisaboses dahil natatakot akong baka ma-offend ko si Aya at isumbong niya ako sa parents ko.
“And now what? Iiyak-iyak ka?” aniya. Pumalahaw lang ako ng iyak sa harapan niya. Bahala na kung ang pangit ng mukha ko. I saw his expression softened. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. Tila nagdadalawang-isip pa siya kung yayakapin ako. Niyakap niya nga ako and I feel safe and secured. Pakiramdam ko parang naging magaan lahat. Iyak lang ako nang iyak sa balikat niya.
“Shh, stop it. Don’t cry na. Ako na ang bahala mapaliwanag sa parents natin if ever. Huwag ka ng umiyak. Baka akalain nila inaaway kita. Hush now,” saad niya. Lalo pa akong napaiyak. Bakit ang bait niya kasi ngayon?
“H-Hindi ko na alam ang gagawin ko,” mahina kong sambit.
“We’ll find a way,” sagot niya. Niyakap niya lang ako hanggang sa tumahan ako. Lumayo na ako saglit at tinamaan na ako ng hiya. Nakakahiya basa tuloy damit niya.
“Your eyes will be puffy tomorrow,” he commented. Wala naman akong pakialam.
Narinig ko ang paghinga niya nag malalim at tiningnan ako.
“Ano ba ang balak mo?”
Suminghot ako at tumingin sa kisame.
“Actually, alam ko namang hindi para sa ‘kin si, Theo. Mahal ko siya pero nakikita ko namang hindi niya pa ako kayang ipaglaban,” saad ko.
“What do you mean?”
“Nanonood ka ba ng mga K-drama? Iyong mga common scenario na ayaw ng parents niya sa ‘yo kasi mahirap ka lang,” wika ko.
“You’re not poor. Your family status is quite high,” sagot niya.
“Dito, dito sa Pinas oo. Pero kung ikukumpara sa pamilyang mayroon sila ni, Theo walang-wala kami. The fact that I am Asian too. Hindi ko naman kasalanan kung niloko ang kapatid niya ng kabaro ko. Hindi naman ibig sabihin nu’n eh manloloko na rin ako. Hindi ko kailangan ng pera. Gusto ko lang mamuhay ng simple. Harmonious and happy iyon lang. Hindi ko naman aagawin o iwawaldas ang pera nila. Ang liit ng tingin nila sa ‘kin,” kuwento ko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya.
“Kung mahal niyo ang isa’t-isa wala naman silang magagawa,” aniya.
“Ano’ng gusto mong gawin ko? Makipagtanan sa kaniya?”
“If he really loves you, he will do things for the both of you. Ipaglalaban ka niya sa pamilya niya. At the end of the day what matters is the two of you. Kayo naman ang gagawa ng pamilya eh,” wika niya.
“Inaya ako ng kasal ni, Theo kanina. Ayaw ko. Una dahil kasal na ako sa ‘yo. Pangalawa ayaw kong magpakasal nang sikreto. Dapat hinahayag sa mundo kung gaano ako kamahal. Dapat ipaglaban niya muna ako sa pamilya niya. Ang problema kasi eh mama’s boy siya. Hindi ko naman siya puwedeng diktahan. Hindi ko rin siya maiwan-iwan kasi mahal ko eh. Nu’ng minsang naglakas-loob akong iwan siya para namang asong buntot nang buntot sa ‘kin,” sagot ko.
“If he really loves you, he will fight for you. Malay mo bumebuwelo lang siya,” aniya.
“Sa tingin mo?” tanong ko. Alanganing tumango naman siya.
“Ano ka ba? Hindi ganoon mag-isip ang ibang lahi. Alam kong matagal na ring gusto ni, Theo na mapasakaniya ang kompaniya nila. He’s been working hard for it. Hindi lang maibigay ng parents niya sa kaniya dahil sa isang kondisyon. Mahal din pala ako ng gago kaya ayan naghihintayan kami. Pakiramdam ko nga naging sagabal ako sa pamilya nila. Dahil sa ‘kin kaya pakiramdam ng parents niya eh nilalayo ko siya. Nagiging bad influence ako sa anak nila. Hindi ko naman mapigilan ang anak nila kung mas pinipili ako. At the end of the day uuwi pa rin naman anak nila sa kanila eh,” sambit ko.
“And you’re fine with that?” hindi makapaniwalang tanong niya sa ‘kin.
“Hindi, hindi ako okay roon. Pero ano pa ba ang magagawa ko, Aya? Wala akong choice,” sagot ko.
“So, okay lang sa ‘yo na lagi kang second option ng boyfriend mo? Kapag nalaman ‘to ng parents mo sa tingin mo ba matutuwa sila? You’re being treated badly out there. Kapag nalaman nila ‘to they won’t be happy,” saad niya. Ramdam ko ang gigil sa boses niya.
“Galit ka?”
“I’m not,” sabat niya.
“Galit ka eh,” giit ko.
“I was just a little mad. Alam ko kasi kung paano ka pinalaki ni, Tita at tito. Kaya hindi ko lang maatim isipin na nilo-look down ka ng ibang taong hindi ka naman kilala,” sagot niya. Napatingin naman ako sa kaniya.
“Bait mo ngayon eh. Parang walang bakas ng away ng kahapon,” komento ko.
“Ikaw lang naman ‘tong nag-iisip na nakikipag-away ako,” sagot niya.
“Ang sama kasi ng ugali mo,” wika ko.
“Daisy, what happened before does not define who I am today,” he stated. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. Bakit nga ba nagho-hold ako ng grudge sa kaniya? Dahil siguro napahiya rin talaga ako noon.
“Feeling guwapo ka kasi noon,” saad ko.
“Guwapo pa rin naman ako hanggang ngayon. Lalo ngang gumuwapo eh,” wika niya.
“Ang kapal ng mukha mo.”
Ngumiti lamang siya at tiningnan ako.
“Do you plan on telling him about us? Puwede mo namang ipaliwanag sa kaniya. If you want...I can go with you. Tayong dalawa ang magpapaliwanag,” aniya. Kumislap naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Gagawin mo ‘yan?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako. Hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng kakaiba. Mabilis na iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya.
“H-Huwag na, kaya ko namang sabihin sa kaniya,” bawi ko.
“Kailan?”
“Hindi ko lang alam kung kailan. Basta hindi muna ngayon. Masiyado pang mahirap ang sitwasiyon,” saad ko. Tumango naman siya.
“If you need my help, just tell me.”
Tumango naman ako.
“Thank you.”
“Mas mahihirapan ka Daisy kung patatagalin mo pa. Ikaw lang din naman ang haharap niyan kaya gawin mo na habang maaga pa.”
“Don’t cry again. I will feel bad. Baka akalain nila inaaway kita. What if your parents will come here out of nowhere? Tapos nakita nilang umiiyak ka ako ang sisisihin. My parents will get mad at me too,” dagdag niya pa.
“Hindi na lang kasi sabihing concern ka sa ‘kin. Mahirap bang sabihin ‘yon ha?” asik ko.
“Matagal naman akong concerned sa ‘yo hindi mo lang napapansin.”
“Ano’ng sabi mo?”
“Wala,” sagot niya. Tinikwasan ko naman siya ng kilay at inilingan.
“Alam mo kung nagkakaintindihan lang tayong dalawa paniguradong puwede pa tayong maging mag-BFF,” wika ko.
“Ikaw lang naman ‘tong nang-aaway sa ’kin palagi,” sagot niya.
“Nakakainis kasi ang pagmumukha mo eh,” wika ko. Ngumiti lamang siya.
“Matulog ka na. Malapit ng mag-eleven,” aniya.
“Pasensiya ka na ha at nadamay ka pa. Yaan mo babawi ako bukas. Ako na magluluto,” saad ko. Tumango naman siya. Pinatay niya ang TV at kumaway na sa ’kin. Pumasok na siya sa kuwarto niya kaya sumunod na rin ako. Pumunta muna ako ng banyo para mag-freshen up. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Para bang may kung anong nabunot sa akin. Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag nailalabas mo ang iilang emosiyon mo na matagal ng nakatago sa loob. Huminga ako nang malalim at nagbihis na. Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame nang tumunog ang aking cellphone.
“Tulog ka, huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. I’ll find a way to help you get through this. Nyt.”
Palihim na ngumiti ako at tumagilid. Itinaas ko ang aking kumot at natulog na.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok sa pintuan ko.
“Gusto ko pang matulog ano ba?” reklamo ko. Patuloy pa rin sa pagkatok kaya inis na bumangon ako at binuksan ang pinto. Ang guwapong mukha ni Aya ang sumalubong sa ‘kin.
“Mag-ready ka na. You’re going to be late,” saad niya. Kumunot naman ang aking noo at napakurap-kurap. Kinuha ko ang slotted baster sa kamay niya.
“Anong oras na?”
“It’s past seven already,” sagot niya.
“s**t!”
Mabilis na bumalik ako sa loob at lumabas din agad para ibalik ang sandok sa kaniya.
“Saglit lang,” nagmamadali kong wika.
“Take your time. I’ll prepare your breakfast and lunch box,” wika niya. Wala na akong pakialam sa iba pa niyang sinabi at kailangan ko na talagang maligo. Binilisan ko ang aking galaw at nagkandahulog na ang tuwalya ko sa ulo at nagsuot na ng PE uniform namin. Paglabas ko ay deritso agad ako sa kusina at nagsimulang kumain. Katatapos lang niyang hugasan ang kaniyang pinagkainan. Sunod-sunod naman ang aking subo.
“Dahan-dahan lang,” saway niya. Ilang saglit lang ay natigilan ako nang maramdaman ang kamay niyang marahang hinahaplos ang aking buhok. Pagalingon ko ay may hawak siyang blower at suklay.
“Ano’ng ginagawa mo?” usisa ko.
“Just eat. Ako na ang bahalang mag-dry ng hair mo. Hindi ka naman puwedeng pumasok na tumutulo ang tubig sa buhok. Baka lamigin ka,” sagot niya. Nilunok ko na lang ang hiya ko at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos ay nag-toothbrush ako.
“Ako na ang maghuhugas sa pinagkainan mo. Prepare yourself,” aniya at walang lingong likod na tinalikuran ako.
“T-Thank you,” saad ko. Ilang minuto lang ay bitbit niya na ang brown paper bag at ibinigay sa ‘kin.
Napangiti naman ako at tinanggap iyon.
“Salamat dito,” saad ko.
“Hindi sa ‘yo ‘yan,” aniya.
“H-Huh?”
“That’s mine, here’s yours,” wika niya at ibinigay sa ‘kin ang dalawang maliit na stainless steel na baunan.
“Salamat dito,” sambit ko. Tumango lamang siya. Lumabas na kami at sumakay na rin ako sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe kami ay tahimik kami pareho. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
“Erm, pasensiya ka na ha. Nangako ako kagabi na ako magluluto bilang pambawi turns out na-late pa ako ng gising,” mahina kong wika. Sobrang nakakahiya ako. Tiningnan naman niya ako at nginitian.
“It’s fine, meron pa namang bukas hindi ba?” sagot niya. Itinaas ko naman ang aking kamay.
“Promise, ako na ang magluluto. Gigising na ako nang maaga,” saad ko.
“Just be okay and I’m fine cooking food for you every day,” sagot niya. Nakagat ko naman ang aking labi sa isinagot niya.
“Bakit ang bait mo sa ‘kin ngayon?” mahina kong tanong.
“Because being kind is free?” patanong niyang sagot.
“Ayaw ko ng dagdagan ang stress mo. And this is who I am. Bakit kailangan ko pang baguhin ang ugali ko kung in born naman talaga akong mabait?” saad niya.
“Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko,” pahaging ko.
“Because that’s what you should do. You should not expect that someone will carry your burdens and confidence for you. It should be yourself first. Less disappointments and high expectations.”
Napatango naman ako. May point naman siya. Tama naman ang sinabi niya. You should always choose happiness for yourself, to avoid regrets. Hindi puwedeng unahing isipin ang sasabihin ng iba kasi matataas ang expectations and standards nila sa buhay. Mahirap abutin and just too good to be true. But for some instances like this, mas pinili ko ap rin kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko dahil iyon ang s atingin ko ang nararapat. Bahala na si Lord kung saan ako dadalhin. For now, kailangan ko munang i-embrace kung anong mayroon ako sa buhay.
“Diyan pa rin ha,” saad ko. Tumango naman siya. Kaagad na bumaba na ako ng kotse niya at nagpasalamat. Napatingin ako sa baunan na hawak ko at tipid na napangiti. Thoughtful na masiyado eh. Naninibago ako pero hindi naman ako nao-awkward sa kaniya. Things could be messy but what can I do? Kailangan kong sabayan ang agos para umusog.
Pagdating ko sa room ay sinalubong na naman ako ng mapanghusgang ngiti ni Beth.
“Mukhang pagod tayo ah? Napasobra ba? Ganoon na ba ka-miss ang isa’t-isa?” aniya at kumikindat-kindat pa.
“Pinagsasabi mo riyan?”
“Sus! Ito naman. As if, alam ko naman na may something na sa inyo eh. Hidni ba hindi naman big deal ang s*x sa ibang bansa lalo na sa mga magjowa? Like sa mga napapanood ko sa TV,” sagot niya. Umupo na ako sa upuan ko at inirapan siya.
“Alam mo ikaw ang judgemental mo. I don’t practice premarital s*x, okay? T’saka hindi ko kayang gawin ‘yan. Sacred ang bagay na ‘yan. Hindi basta-basta na lang ginagawa,” wika ko. Natahimik naman siya.
“Am I hearing this clearly?” aniya.
“Hindi ka makapaniwala kasi gawain mo ano?” balik ko.
“Grabe siya judgemental din pala,” aniya. Natawa naman ako.
“Siyempre hindi ko pa nagawa ‘yan,” aniya. Tumikwas naman ang aking kilay.
“Mamatay?”
“Fine, isang beses lang naman ‘yon. Pero kiss kiss lang ganoon. Hindi ko isinuko ang bataan ko,” sagot niya. Sinukat ko talaga siya at mukhang nainis na.
“Phew! Mukhang alam ko na kung saan ka naiinis. May paraan naman pala para tumahimik ka,” komento ko.
“Ang sama ng ugali mo,” aniya.
“Kailan ko ba sinabi na maganda ugali ko? Kaya nga nagtataka ako kung bakit mo ako kinaibigan eh. Ano? May kailangan ka ba sa ‘kin ha? Siguro may hidden agenda ka no kaya mo ako kinaibigan?” saad ko. Tinitigan naman niya ako at kinaltukan.
“Aray! Ano ba?”
“Malala na ‘yang tapak sa ulo mo. Grabe ng trust issue ‘yan, Daisy masakit na ang puso ko. Nasasaktan na ako ha,” aniya. Napangiti naman ako.
“Sorry na ‘to naman hindi na mabiro,” bawi ko. Sumimangot naman siya.
“Dahil diyan bibigyan mo ako ng baon mo ha. Hindi puwede na hindi mo ako bibigyan niyan. Mukhang special eh,” saad niya. Napatingin naman ako sa baunan ko at napangiti.
“Ano ba ang laman niyan?” usisa niya.
“Ahm...” Hindi ako makasagot kasi wala rin akong ideya kung ano ang laman ng lunch box.
“Don’t tell me hindi mo alam?” aniya. Hindi naman ako sumagot at nagkibit-balikat.
“Sino nagluto?”
Kinuha niya iyon at binuksan.
“Saglit lang,” awat ko sa kaniya pero nabuksan niya na.
“Wow! Mukhang masarap ah. Ang cute pa ng pagkain. May heart pang small carrots,” aniya.
“Niluto ng jowa mo ano? Aww, sana all may jowa talaga. Kaya naman pala parang may kakaiba sa ‘yo ngayon eh. Pogi na ang jowa ang galing pang magluto,” wika niya. Napangiti naman ako. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Alangan namang sabihin kong niluto iyon ni Jeremiah para sa ‘kin.