“You know what, hindi ko rin minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak mo Tin, eh. Galit ka sa kanya at ikaw to'ng magaling makipaglaro pero ikaw rin naman palagi ang talo.” paninermon sa kanya ng kaibigan niya ng samahan siya nitong ihatid sa kanyang condo. It's already 1 AM in the midnight at kakauwi lang nila dahil hindi agad sila makalabas kanina dahil kinumpol ng daan-daang tao ang exit at entrance ng event center na pinagganapan nila ng event. Hinilot niya ang kanyang magkabilang sentido bago isinandal sa headrest ng sofa ang likod ng kanyang ulo to rest for a while before taking a half bath pero paano siya makapagpahinga nito kung walang ginawa itong kaibigan niya kundi ang sermonan siya dahil sa ginawa niyang pag sang-ayon kanina sa taohan ni Riki. “You can go, J, and, don't mi

