Kung makapag-usap sila sa isa't-isa parang walang may nangyari sa pagitan nila noong isang araw. Parang hindi nila minahal ang isa't-isa noong mga nakalipas na mga taon. Or maybe...they are both mature enough to think that way. Siguro nga posible na maging gano'n sila na kinalimutan nalang nila ang mga pinagdaanan nila noon. They are the new version. Parehas na successful sa buhay. Parehas na silang mayaman at kaya nang gawin at bilhin ang lahat ng mga gusto nila but their heart? Ewan lang. Baka parehas ding walang nagpapatibok. Napatigil siya sa pagkalikot ng makina ng marinig niyang may kinakausap si Justin sa kabilang linya. Ayaw niyang maging chismoso pero nagawa niya parin ng palihim. “Okay, I will wait. Bye.” narinig niyang sabi ni Justin sa kausap. Muli niyang pinagtuun

