Prologue
*September 2005*
"Eyes..." tawag ng kaibigan niya sa kanya.
"Po..." aniya.
"Mag audition kana kasi sa Friday." Nilingon niya si Tin. Isa sa mga kaklase at close friend niya ito. Monday na ng hapon at tapos na ang lahat ng subjects nila. Nasa second year high school na sila ngayon at magkasing-edad din silang dalawa.
Mayroon silang isasagawang High School Day sa buwan ng October at nextmonth na nga iyon. One week din ang kanilang celebration dahil madami silang event sa school. Isa na doon ay ang LitMus o Literary Musical Contest. Alam ng kaibigan niya na meron siyang talent sa Pagkanta kaya ini encourage siya nito.
Noong siya ay nasa elementary pa lamang. Pinasali din siya ng kanyang teacher sa Singing Contest dahil nalaman nito na magaling siyang kumanta at kahit Acapella lang ay nanalo din siya sa pangatlo o 3rd Place.
Subalit kulang siya sa suporta ng pamilya dahil nagrereklamo ang mga iyon sa gastusin kaya naman winalang bahala niya ang kanyang talento. But deep inside gustong-gusto at passion talaga niya ang pagkanta o kumanta.
"Ayoko ko Tin.. Tsaka nahihiya din ako eh." "Pagagalitan na naman ako ng parents ko kapag malaman nila na sumali na naman ako."
Aniya sa kanyang sarili at tinalikuran niya ito. Wala siyang self confidence na sumali sa contest lalo na at nasa high school na sila.
Nauna na siyang lumabas ng pinto at nakasunod naman ito sa kanya.
Nagsilabasan na din ang iba nilang mga kaklase kaya silang dalawa nalang ang nasa loob. Dahil siya ang President sa classroom nila kaya siya ang incharge na magsara nito kapag nauna ng umalis ang teacher nila.
"Why?! Is there something wrong?" Tumango siya dito.
"Tell me na nga?! You know what kasi sayang naman pag di ka sumali ghang."she frowned.
(Ghang means Love o Mahal... Tawagan o Endearment sa dialect ng Ilonggo.. Mapa Matanda man o Bata ang edad naka dependi sa tao. Pamilya at kaibigan......
Yes!!!
Iloilo po ang Province ni Eyes)
"Pasaway ka talaga,haha. "
"Sayang 'yang tinatago mong talent aba."nailing siya sa sinabi nito. Dagdag pa nito. "Kung ako lang merong talent na ganyan."
"Papagalitan kasi ako ng parents ko ghang eh."malungkot na sabi niya at nagulat ito sa kanya.
"Grabi naman 'yan. Wala man lang silang suporta sa'yo?"umiling ulit siya. "Di ka ba nila mahal at di sila sumusuporta sayo."
"Wala talaga eh. Kaya kahit gugustuhin ko man na sumali pagdating ng contest wala naman akong custome na maisusuot at wala din akong lugar kung saan ako magsasanay."
"Don't worry Eyes.. Tutulungan kita. Sabihan natin si Ma'am Analyn malay mo tutulong siya di ba?!."nakangiting sabi nito sa kanya.
Pero natawa siya sa sinabi nito.
"Close ba tayo sa kanya?! Tsaka sure ka ba na tutulungan niya ako? Sa lahat ng needs ko?!"malungkot na sabi niya. "Wala sanang problema kung class adviser natin siya."
"Don't lose hope kasi... Ako ang bahala. Sasamahan kita kay Ma'am... Mabait naman siya ah... Tsaka buong Year level naman natin ang ere represent mo kung sakali... But.... Need mo muna sumali sa Audition.. Then pag natanggap ka saka tayo hihingi ng help ky Ma'am Analyn."nakangiting sabi nito sa kanya. Napangiti nalang din siya sa sinabi nito.
Positive thinker.
"Sure kang tutulungan mo'ko?"paniniguro niya dito.
"Oo naman. Wala ka bang tiwala sakin."inirapan siya nito. Kaya niyakap niya ito habang natatawa.
"Thanks Ghang Tin.. I'm glad na naging kaibigan kita."masayang sabi niya dito.
Natatawa naman ito sa ginawa niya pero niyakap din siya nito. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga schoolmates nila. Pero di nila pinansin ang mga ito.
" Your welcome po. "Malapad na ngisi nito. "Kaya mag practice kana sa bahay niyo. Kahit acapella lang kasi kayang-kaya mo naman eh."masayang sabi nito. Tumango siya.
"Salamat ulit Ghang." Nakaakbay na sabi niya sa kanyang kaibigan habang palabas na sila ng gate. At masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan habang naglalakad.
Dahil sa gustong-gusto talaga niyang kumanta at dahil sa suporta at pamimilit ng kaibigan niya kaya siya sumali sa LitMusContest nila sa school.
~°~
Hindi siya nagpaalam sa kanyang mga magulang sa sasali siya sa Singing Contest sa school nila. Lihim din siyang nagsasanay para lamang makapasa siya sa Audition na gaganapin na kinabukasan. Susugal siya at baka sakaling manalo pa siya. Kung hindi rin siya mananalo atleast ginawa niya lahat ng best niya para sa Audition.
Kinabukasan maaga siyang gumayak sa sarili at hindi niya mapigilang ma excite sa dahil ilang oras nalang ang natitira.
Dahil hindi naman sila mayaman at kulang nga sa suporta ng magulang kaya naglalakad lamang siya sa umaga papasok sa school at ganun sa pag-uwi niya. Minsan meron din siyang mga estudyante na nakakasabayan sa paglalakad pero karamihan ay my sasakyan o hinahatid sa school.
Siya pa mismo ang nagluluto ng kanilang pagkain at binabaon niya sa school.
Lumaki siya na marunong na sa mga gawaing-bahay kaya kahit mahihirapan pa siya lahat ng iyon ay kanyang kinakaya.
Noong baby pa lamang siya ay doon siya ipinanganak sa bahay ng lola niya. Nang sumapit ang ika-isang taon saka naman nabuntis ulit ang mama niya kaya ang ginawa ng mga magulang niya ay doon na siya pinatira sa bahay ng Lola at mga tita niya.
Marami ang nangyari sa buhay niya.
Minsan doon siya natutulog sa bahay ng Lola niya tas ilang araw pinapauwi na naman siya doon sa bahay nila.
Palipat-lipat ng tirahan ang kanyang mga magulang dahil sa hanap-buhay. Kaya lumaki siya na hindi napipirmi sa iisang bahay at iisang lugar.
Hanggang sa dumating sa point na graduate na siya ng elementary at dahil sa kanya nag-away ang kanyang mga magulang at tita. Kinukuha na siya ng kanyang mga magulang pero ayaw niyang umuwi sa kanila dahil mas comfortable siya doon sa bahay ng kanyang Lola at mga Tita. Pero wala pa rin siyang magawa kaya pinaalis siya ng kanyang tita sa bahay ng mga ito. Kaya doon na siya nauwi sa bahay ng mga magulang niya. Nagkataon naman na lumipat ng bahay ang kapatid ng papa niya at binibinta ang kanipang bahay kaya binili ito ng papa niya at nakalipat ulit sila ng bahay na malapit doon sa bahay ng Lola niya kaya sobrang masaya siya.
Sobrang saya niya dahil mas gusto niyang tumira doon sa bahay ng Lola niya. At mas ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Unlike sa mga magulang niya na walang pakialam sa nararamdam at mga gusto niya.
Wala siyang suporta na natatanggap mula sa mga ito.
Kaya hindi maiwasang hindi sumama ang kanyang loob sa mga ito. Pero wala pa rin siyang magagawa dahil sa hindi niya pa kayang manindigan sa sarili niya.
Masyadong strict ang Papa niya at di rin sila close ng mama niya kaya wala siyang magagawa kundi ang sumunod dito. Dahil kung di siya susunod ay pagagalitan at minsan napapalo pa siya ng Papa niya. At pinagsasalitaan din siya ng hindi maganda ng Mama kaya umiiyak siya ng lihim na hindi alam ng mga ito.
Hindi rin siya open sa mga ito kaya walang alam ang mga ito sa mga pinagdadaanan niya.
Lalo na sa school.
Kung suportado sana siya ng kanyang mga magulang lalo na sa school ay di siya mawawala sa rangkings dahil noong First Year High School siya nasa Star Section siya. Kaya lang natigil siya ng pag-aaral ng isang taon dahil di niya nakayanan ang mga nangyari sa buhay niya kaya nagkasakit siya. Apektado din ang pag-aaral niya.
Ngayon ay nasa second year palang siya at nasa pangatlong section siya nababa dahil sa tumigil nga siya ng isang taon sa pag-aaral. Naiwanan na siya ng kanyang mga kaklase noon.
Still nagpatuloy siya.
Patuloy ang pangarap niya.
*School*
At noon.
"Eyes! Ready ka na ba para mamaya?!" Tanong ni Lyn sa kanya. Nilingon niya ito habang kumakain sila ng Lunch.
"Yes... Medyo kabado nga lang ako hehe."aniya.
"Kaya mo 'yan ghang dito lang kami para suportahan ka." Cheer up ni Gen sa kanya.
"Oo nga Eyes.. Kami ang fans mo mamaya." Ani Alse isa din sa kaklase at friends nila.
Doon sila kumakain ng lunch sa bahay ni Alse dahil malapit lamang ito sa school nila at nagtitinda ng ulam ang mga magulang nito.
"Fighting Eyes...../ Go go go!!!" Cheers din ng mga classmates at kaibigan nilang lalaki na sina Cris,Rock at JhonLee.
Masaya siya dahil nakilala at nakahanap siya ng mga totoong at kaibigan sa mga ito. Kaya masaya ang section nila dahil sa mga kakulitan ng mga ito.
"Thankyou so much guys.!" Appreciated niya lahat ng mga sinabi at support ng mga ito sa kanya.
"Group hug". Sabi ni Tin at sabay sabay silang tumayo at ginawa ang sinabi nitong 'Group Hug' .
*Classroom*
"'lika ka Eyes aayusin ko buhok mo."prisinta ni Gen. Nakapalibot silang lahat sakin habang nagpu polbo ako. Lahat ng classmates nila ay nakapalibot lahat sa kanya. Supportive ang mga ito sa kanya dahil siya nga ang President sa classroom nila.
"Practice ka muna saglit Eyes."sabi ni Cris...
Si Cris ang may-ari ng cassette na ginagamit niya sa pagsasanay ng kanta. Wala naman kasi silang gamit sa bahay kaya Acapella lamang siya.
"Ano ba kakantahin mo Eyes?!" Tanong ng isa sa mga classmates niya.
"Boang ka Arjie... Late ka talaga palagi sa balita hahaha."sabat ni JhonLee dito.
"Bingi ata kaya di naririnig kinakanta ni Eyes dito sa room."hirit pa ni Lyn.
Tawanan nalang kaming lahat.
Si Cris na ang umayos ng cassette at tape nito pagkatapos ay pumailanlang sa ere ang kanta ng Aegis...
Yes!
Pinakapaborito niya ang lahat ng mga songs ng Aegis. Kinakanta niya ito tuwing pinapa andar ni Cris ang cassette nito. Tuwing Recess,vacant at lunchtime.
Tahimik silang nakikinig at nakangiting nakatunghay sa kanya habang kumakanta siya. Dinadama niya namang yong song kaya feel na feel din ng mga nakapalibot sa kanya.
Pagkatapos niyang kumanta hiyawan at palakpakan silang lahat. Masayang-masaya siya dahil sa support ng mga ito sa kanya.
*Audition*
Lahat ng mga nasa secondyear level ay nakapalibot sa classroom ng pangalawang section. Nasa loob na din ang mga Judge para sa Audition. Punong-puno ng estudyante ang loob at labas ng room.
Mixed emotions ang nararamdam niya ngayon.
Feeling nila nilalamig,nangangatog,maiihi at di siya mapalagay dahil sa kaba. Pero pinapalakas siya ng kanyang mga kaibigan kaya medyo nababawasan ang kaba.
Open sa lahat ng second year level ang Audition kaya kahit sino ang sasali sa apat na section ay puwedeng-pwede pero iisa lamang ang mananalo.
Nasa pito sila ang sumali sa Audition.
Para siyang nakalutang sa hangin ng tawagin na ang kanyang pangalan. Siya pinakahuling sasabak sa labanan.
Acapella din naman silang lahat kaya fair ang labanan.
Pinalakpakan siya ng lahat ng nakapaligid sa kanila,hiyawan ang kanyang mga kaibigan at mga kaklase.
Binigyan siya ng hudyat ng teacher niya saka lamang tumahimik ang lahat.
Luha
(Aegis)
Cover Nii: Mata
1.
Akala mo ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit ng ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim.
2.
Ninais kong mapalapit sayo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sayo.
Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang maykapal
Ngunit at ako pala ay isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo.
Cho.
Hindi ko na kailangan
Umalis kana sa aking harapan
Damdamin ko sayo ngayon ay naglahi na
At ito ang iying tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo
Kahit na sa luha
Pagbabayaran mo.
Ayoko ng mangarap
Ayoko ng tumingin
Ayoko ng manalamin nasasaktan ang damdamin
Bulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Ako noon ang nasa ilalim
Bakit ngayo'y nasa ilalim pa rin
Bulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ang nasa ilalim
Sana bukas nasa ibabaw naman.
Masigabong palakpakan ang natanggap niya pagkatapos ng madamdamin niyang pagkanta. Feeling niya hindi nakaapak sa lupa ang mga paa niya sa sobrang lakas ng kaba at pressure na nararamdaman niya.
Nagulat na lamang siya ng e announced na ang nanalo at ang nanalo ang ilalaban sa LitMus Contest na gagawin by 2nd Week ng October.
Masayang-masaya at naluluha siya at lahat ng mga kaibigan at kaklase niya dahil hindi talaga nila inexpect na siya ang nanalo sa isinagawang audition.
Proud na proud din ang adviser nila ganun din ang mga teachers niya sa kanya.
Sinabihan na din siyang wag mag-aalala dahil ang teacher na nila ang gagawa at tutulong sa gagamitin at isusuot niya.
Kahit pagalitan pa siya ng kanyang magulang kahit papaluin pa siya ng Papa niya dahil sinuway niya ito pero wala na siyang pakialam basta makakasali lamang siya sa Contest. Gumawa siya ng way para makasali at makapagsanay ng Song na kakantahin niya. Doon siya natulog sa bahay ng teacher niya para lamang makasali siya kinabukasan sa Contest.
Every level merong isa na representative.
Sumali din ang taga ibang school na malapit sa kanila.
Kaya walong contestants silang lahat.
~°~
*High School Day/Literary Musical Contest*
Para na naman siyang nakalutang sa hangin. Hindi niya maintindihan ang feelings na nararamdaman niya dahil sa ambiance at maraming taong feeling niya nakatingin sa kanya lahat.
Ang teacher lamang niya ang kasama niya papuntang venue. Sa gymn ng kanilang municipality e held yong contest dahil dalawang school ang maglalaban-laban and each level pa. Kaya napakaraming tao sa buong gymn. Hindi na niya nakikita ang mga kaklase at kaibigan niya sa sobrang dami ng tao.
Pagdating nila sa loob agad na binigyan siya ng number at inilagay ito sa kanyang baywang. Pang-pito siya sa mga contestants.
Nadaanan niya ang kanyang Boy Bestfriend ng papunta siyang stage. Hindi niya napansin ito pero napansin siya nito.
"Best Love..."lumingon siya sa tumawag. Kilala niya ang boses nito at Love ang tawag nito sa kanya.
" Goodluck ha?!.Galingan mo." Ngumiti ako sabay tango. "Ganda mo ah,hahaha." Napailing nalang ako at tumalikod na sa kanya.
"Kahit na kailan alaskador talaga ang lalaking yon,hmp."
Deep inside masaya siya dahil nakasuporta din ito sa kanya.
"Actually... Crush ko 'yon pero di pa pwede. Kasi 14 palang ako. Tsaka playboy maraming babae."
*Contest*
Pinaakyat na silang lahat sa stage simula sa Number 1 hanggang number 8. Syempre second to the last na naman siya kaya matagal pa bago siya mag perform. Pinaupo silang lahat sa mga upuan na nakahilira doon sa stage.
Nung siya na ang magpe-perform sa gitna para na naman siyang nakalutang sa hangin. Feeling niya di siya nakaapak sa sahig. Nagpalakpakan na ang mga audiences sa kanya kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa baba pero wala naman siyang may nakikita. Parang blurd sa kanya ang lahat.
"Kaya mo yan Self... Fighting!"
Kailan Kaya
Cover nii: Mata
1.
Lagi nalang nag-iisa
Lagin nalang nalulumbay
Umaasa sana may magmahal
Hanggang kailan kaya
Ako maghihintay.
Cho.
Kailan kaya puso ay iibig
Kailan kaya matitikman ang isang halik
Kailan kaya madarama ang isang paglalambing
Nais malaman, nais maramdaman
Kailan Kaya.
2.
Sana ngayon ay kapiling ka
Sana ngayon ay masaya
Ibigin mo kaya ang isang tulad ko
Hanggang pangarap nalang ba ang lahat ng ito.
Rep. Cho. 2x
Isang masigabong ulit na palakpakan ang narinig niya habang pabalik siya sa kanyang upuan. Hindi niya rin alam kung nakangiti ba siya o nakasimangot o anupaman.
Hanggang sa ini announced na kung sino ang mga nanalo.
Again and again.
Hindi niya inexpect na mananalo siya kahit nasa 3rd Place o pangatlo sa walong contestants sila.
Sinalubong siya ng mga kaibigan niya pagbaba niya ng stage.
Sobrang masaya ang mga teachers niya at lalo na ang nga classmates at kaibigan niya. Hindi nila sukat akalain na makakasungkit siya ng pang 3rd Place lang. Magagaling din naman ang mga kalaban niya sa pagkanta.
Proud din siya sa kanyang sarili dahil kinaya niyang ipanalo ang laban kahit walang suporta na galing sa pamilya niya.
@Mata13 ??♀️❣️