bc

Whispered Promise of Love

book_age16+
79
FOLLOW
1.0K
READ
HE
decisive
police
drama
bxg
campus
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sequel of The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1)Special kung tratuhin si Dainara Ortega, dahil iba nga ang trato sa kaniya ng kanilang Mamu. Kinaiinggitan siya ng mga dalagang inaalagaan ni Cynthia Ortega. Hindi lang sa pisikal na anyo niya, kundi siya ang pinakapaborito at kinagigiliwan ng ginang.Subalit ang hindi alam ni Dainara ay ito pala ang kaniyang ina, nang sumuko ito sa alagad ng batas ay roon lumabas ang katotohanan.Nakilala niya si Leon Shadrick B. Corteza, isang pulis na humawak sa kaso ng kaniyang ina. Inilayo siya ng binata upang hindi siya makilala o makuha ng totoo niyang ama na sangkot sa sindikato. Pinagkakatiwalaan naman ito ng kaniyang ina at ito rin mismo ang pumilit sa kaniya na sumama sa binata.Dinala siya ni Leon sa isang isla at patagal nang patagal ay nahuhulog ang loob niya sa binata. Na iyon din naman ang nararamdaman ng lalaki, ngunit walang kompirmasyon. Subalit isang trahedya ang dumating sa buhay niya. Si Dainara ay napagkamalan siya at binaril siya sa dibdib.Makaliligtas kaya si Dainara?O kasama ng magiging anak nila ni Leon na siya'y maglalaho na lang din?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE “Dainara. . .” I uttered her name when I saw her. Malalaki ang bawat hakbang ko para malapitan ko siya. She was wearing a black hoodie pero nakabukas na ang zipper nito at kitang-kita ko ang pamumugto ng mga mata niya. Kung saan-saan na dumadapo ang kaniyang paningin na parang naguguluhan siya. Hindi niya mawari kung saan siya pupunta at makikita rin ang takot. Dainara. . . Parang narinig niya ang boses ko at pagtawag ko sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Sa dami ng mga taong kasabay niya sa paglalakad at isama mo pa na gabi na, kaya madilim na rin pero siya ang unang taong nakita kong bumaba mula sa barko. Sumilay ang matamis niyang ngiti dahilan na bumilis ang t***k ng puso ko. Sa isang ngiti niya lang ay nagagawa niyang guluhin ang puso ko. Ginantihan ko siya nang ngiti at binagtas ko ang pagitan naming dalawa habang hindi napuputol ang titigan namin. Naglaho lang ang ngiti ko sa labi nang makita ko ang maliit na pulang ilaw na nasa bandang dibdib niya. Takot, iyan ang bumabalot sa aking dibdib. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at tinawid ang pagitan namin. Kumunot pa ang noo niya nang makita ang pagtakbo ko palapit sa kinaroroonan niya, ngunit nahuli ako. Nanginig ang katawan ko sa takot at parang bumigat ang paghinga ko. Tila may sumasakal sa akin at nahihirapan na akong huminga. “Dainara!” sigaw ko sa malakas na boses. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbaril sa kaniya ng sniper at diretso ito sa dibdib. Kitang-kita ko ang pagbulsak ng dugo at kung paano naglaho ang masaya at maganda niyang ngiti. Bumagsak ang katawan niya sa sementado, na muntik na rin siyang maapakan ng mga tao at mas nagkagulo lang ang mga ito. Sigawan ang maririnig sa paligid pero pakiramdam ko ay nabingi ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko. Natatakot akong lapitan siya, natatakot akong hawakan siya at natatakot ako na baka masaktan ko siya. Ngunit mas natakot ako sa naisip na puwede siyang mawala sa akin. “L-Leon. . .” Sa mahinang pagsambit niya sa pangalan ko ay lumuhod ako at kinalong ko siya. Nanginginig ang aking mga kamay. Nabalot na ng dugo niya ang palad niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya at hinawakan ko ang sugat niya para lang huminto ang pagdurugo nito. “D-Dainara. . .” Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko at umaalog na ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko. Tumingin ako sa paligid at nanghingi ng saklolo. “Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ko. Pero mas nauna pang dumating ang mga pulis, ilang minuto ang nakalipas. “Leon. . .” nanghihinang sambit na naman niya sa pangalan ko. Nawalan na ng kulay ang mga labi niya at parang gatas na ang kulay dahil sa pagkaputla niya. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at nahihirapan na rin siyang huminga. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng t-shirt ko. Dinala ko sa aking dibdib ang ulo niya at may mga tao ang lumapit sa amin para lang lagyan siya ng makapal na tela sa dibdib. Sa dami ng dugong nawala sa kaniya ay hindi ko na alam ang mangyayari pa. “A-Ano ’to? Buntis ba siya?” Nagpanting ang tainga ko sa narinig na tanong ng matandang babae at napatingin ako sa paanan ni Dainara. Punong-puno na iyon ng dugo niya. Posible kaya. . . Nakaawang ang mga labi ko na tiningnan siya at hinawi ko ang buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha. “Dainara. . .” “A-Ang. . .anak n-natin?” Sa tindi nang sakit sa dibdib ko ay wala na akong ibang ginawa pa kundi ang umiyak. “I’m. . .sorry, Dainara. . .” Tumulo ang mga luha niya at ilang beses kong hinalikan ang noo niya. “L-Leon. . .” “H-Hold on, please. . .” “M-Mamamatay. . . na ba ako. . . L-Leon?” Sunod-sunod ang pag-iling ko. “Hindi! Hinding-hindi iyon mangyayari!” sigaw ko sa kaniya. Ngumiti siya kasabay nang pagsuka niya ng dugo. Mabilis kong pinunasan iyon pero wala na siyang tigil sa pag-ubo at may lumalabas pa rin na dugo mula sa bibig niya. “L-Lumaban ka, please! Lumaban ka!” Bumigat ang talukap ng mata niya at marahan na ang paghinga niya. “Leon. . . W-Wala na siya. . . M-Mawawala na rin ako. . .” “Ano ba, Dainara huwag kang ganyan!” umiiyak na sigaw ko. “M-Maganda ba ang M-Manila?” nahihirapan na tanong niya. “M-Manila na ’to. . .” nauutal na sagot ko sa kanya. “G-Gusto kong. . .gusto kong magtagal pa r-rito. . .” sabi pa niya na kahit nahihirapan na ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin. Naghalo-halo na ang mga luha at dugo sa mukha niya. “Mabuhay ka kung gusto mong magtagal pa rito!” umiiyak na sigaw ko. “G-Gusto k-ko rin iyon. . . Gusto p-pa rin kitang makasama nang matagal. . . K-Kahit na. . .kahit na iba naman ang m-mahal mo. . . Pero g-gusto ko na rin s-siyang makasama pa. . . K-Kasalanan ko, Leon. . . K-Kasalanan ko kung bakit siya. . .s-siya nawala sa atin. . .” paninisi niya. Hindi naman niya iyon kasalanan. Hindi. . . “P-Please. . .huwag ka nang magsalita pa. . . M-Mangako ka na lang. . . M-Mangako ka na lang sa akin na hindi ka bibitaw. . .” nagsusumamong sambit ko at hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig na. “H-Hindi. . . B-Baka hindi ko na rin k-kakayanin pa. Ang sakit, Leon. . .” I shook my head. Hindi ko siya hahayaan na mawala! Hindi, ayoko. . . “No. . .no, please. . . Nangako pa ako sa ’yo na dadalhin kita rito. . . Pero hindi sa ganitong paraaan—” Bumuhos pa ang mga luha ko. Naramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahan na bumitaw sa damit ko at kasabay nang pagsara ng mga mata niya. “Hindi ka puwedeng mawala sa akin!” Ilang beses kong tinampal nang mahina ang pisngi niya para lang gisingin siya pero wala na. . . Hindi ko na siya maramdaman. . . Hindi ko na maramdaman ang paghinga niya. . . Payapa na ang bukas ng mukha niya, kahit basang-basa pa ang pilikmata niya. Doon lang din dumating ang ambulansya at mabilis nila kaming dinaluhan. “Sir. . .” Mahigpit ang yakap ko sa kaniya at halos hindi ko na siya pakawalan pa kahit pilit na kinukuha nila sa akin ang babaeng mahal ko. “Dainara. . . Dainara. . . Dainara. . . Dainara. . . Dainara. . . Dainara. . . Dainara! Dainara!” Nagawa nilang kunin mula sa mga bisig ko si Dainara at nakita ko na lang ang puting kumot na bumabalot sa katawan niya. Mas lalo akong nagwala mula sa mahigpit nilang paghawak sa akin. “Dainara! Dainara! Dainara! H-Huwag mo akong iiwan, please! Dainara!” “Leon. . .” Napahinto ako nang makita ko ang kaibigan kong si Alked. Umiiyak din siya at punong-puno ng mga luha ang mga mata niya. “I-Iniwan na niya ako. . . I-Iniwan na nila ako, Alked! Iniwan na nila ako!” parang batang sumbong ko sa matalik kong kaibigan. “I’m sorry, bro. . .”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook