Chapter 21: Escaping MABAIT si Kirsten at magaan siyang kausap. Kaya naman ay naging komportable ako habang kasama ko sila ng anak niya. Hindi na muna ako pinapapunta pa ni Leon sa resort dahil gusto niyang makasama ko ang mag-ina ng kaibigan niya. Pero nang mapansin ko na parang may problema ito ay kinompronta ko na si Leon. “Ano ba ang problema ng kaibigan mo, Leon? Alam mo ba na nasasaktan ang asawa niya?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Napadila siya sa ibang labi niya at nasundan iyon nang tingin ko. Napataas lang ako ng kilay nang tumaas din ang sulok ng mga labi niya. Nandito kami ngayon sa board walk dahil nang hinanap ko siya kaniya ay natagpuan ko siya rito. Hinila niya ang kamay ko upang makaupo na rin sa tabi niya at nagpaubaya naman ako. Umatras siya at inilipat niya

