Chapter 25: Visitors “GUSTO ko siyang makita, Leon. T-Tulungan mo ako. Tulungan mo akong makita siya. Gusto kong makita ang anak ko,” nagsusumamong sambit ni Ma’am Cynthia. Tumango ako. Gagawin ko ang lahat para lang makapunta siya at makita niya ang anak niya. Ayokong ipagkait ito sa kaniya. Ramdam ko ang sakit sa dibdib niya ngayon. Maski ako ay nasasaktan din sa sitwasyon ngayon ni Dainara. Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari sa kaniya. I failed, I failed to protect her. Kaya sinisisi ko rin ang sarili ko. “Don’t worry, Ma’am Cynthia. I’ll find a way. I’ll talk to my superior so you can leave and see your daughter,” I said to her. Ilang beses siyang tumango at nagpasalamat. I waited two days, and I already spoke with my superior, and a court permit is also required. Ma’am C

