Chapter 27: Pagbisita kay Mamu “KUMUSTA naman si Jam? Ligtas ba siya?” tanong ko kay Leon. Kaming dalawa na lamang ang naiwan dito sa pribadong silid ng ospital. Umuwi na rin ang mga magulang niya. Mataman ko pang tinitigan ang mukha niya. Parang ang laki yata ng pinayat niya, halatang puyat dahil may itim sa ilalim ng mga mata niya. Humahaba na rin ang kaniyang buhok. Gayunpaman, guwapo pa rin naman siya at hindi naman yata mababawasan iyon. “Ligtas na si Jam. Alam namin na magkasama kayo habang tumatakas sa isla at naiwan mo lang siya roon. Pero isang barko pa ang nakasunod sa barkong sinasakyan niyo, doon siya nakasakay. Tapos nawala siya nang ilang araw dahil sinadya niyang magtago. Hindi agad siya nakita ni Alked,” paliwanag niya sa marahan na boses. Napatango ako nang malaman ko

