--------- ***Sandy's POV*** - Dahil sa kulang sa oras kaya hindi natapos ng iba ang misyon, at tumigil na rin kami kasi kailangan na rin namin bumalik. Para kasing palakas na palakas ang alon, at hindi kami pwedeng maabutan ng sobrang malalakas na alon. Delikado ang dagat pag masyado nang malakas ang alon. Kaya kailangan na namin bumalik sa isla Noval. Pagdating naman namin sa resort, hindi muna kami umalis para umuwi sa bahay ng pamilya ko. Gusto pa kasi ng mga kaibigan ko ang mag- night swimming kaya kumuha narin kami ng isang cottage na tama lang sa aming pito. Magandang ang dagat kaya kahit hindi pa gabi ay naliligo na sa dagat sina Steph, Joel at Phoebe. Halata naman nag- eenjoy ang mga ito sa pagtatampisaw sa malinis na tubig dagat. Hindi ako nakisabay sa kanila kasi tumutulon

