----------- ***Sandy's POV*** - Hindi ko napigilan at napatayo ako. Hindi ko na kayang labanan pa ang tunay kong naramdaman sa sandaling ito. Para akong sinasakal at nahihirapan akong huminga. Nag- init din ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Clinton na alam ko naman isang malaking kasinunggalingan. "I need to go in the restroom." paalam ko sa mga kasama ko para hindi sila maghinala. Kailangan ko lang talaga ang makaalis, kailangan kong makahinga mula sa presensya ni Clinton kahit sandali lang. Kung hindi ko ito gagawin, baka mapugto nalang ang hininga ko bigla. Ayaw ko nang marami pang tanong kaya hindi ko na hinintay na magsalita pa ang kahit sino sa kanila. Mabilis akong umalis pero hindi ako sa restroom pumunta, nagpatianod ako sa kung saan humakbang ang tila may sa

