----- ***Sandy's POV*** - "Daddy, sino po sila?" Tanong ni Cloudy sa ama, hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay ng aking anak. Wag lang magkamali si Clinton na saktan pati ang anak naming dalawa, dahil pag mangyari yan, hindi ko alam kung paano pa sya mapatawad. "Son---" "Clinton, nami- miss ka lang ng mga bata. Wilmar and Jessa lumapit kayo sa akin. Wag nyong guluhin ang papa nyo, may mga bisita sya." Bisita? Ang kapal din ng mukha ng Maureen na ito. Hindi lang kami basta bisita ni Clinton, pamilya nya kaming dalawa ni Cloudy. May mga bata kaming kaharap kaya kahit gusto kong patulan si Maureen, pinigilan ko lang ang aking sarili. Ayaw kong makita ni Cloudy na nakikipag- away ako sa mga taong hindi dapat pinagtuunan ko ng pansin. "Pero mama, miss na miss na namin si papa." "I

