Xander's POV "Dad nakita niyo ba si hime?" tanong ko kay dad. "Oo, maaga siyang umalis eh may aasikasusin daw siya" Nagtaka naman ako, ano naman ang aasikasuhin ni hime at hindi niya man lang sinabi sa akin? "Saan po siya nagpunta dad?" "Hindi niya sinabi eh" "Salamat na lang po dad hahanapin ko na lang siya" "Sige" Alex's POV Kasalukuyan ngayon akong nakaupo dito sa tabi ng puntod niya habang hinahangin ang piraso ng buhok ko na nahulog sa pagkakatali. Ilan taon na ba? Ilan taon na ba nung huling umiyak ako? Hindi ko akalain na iiyak ulit ako. Bakit kasi ang daya daya mo bakit mo kasi ako iniwan? Flashback Nandito kami ngayon sa mansyon ni mr. Yu yung lalaking nag alok na itrain kami. Naglalaro lang kami ni Xan-Xan sa play ground nung nilapitan niya kami at sinabing ite-train

