Xander's POV Maaga akong nagising para gisingin si hime may pasok pa kami eh. Pagdating ko sa kwarto nakita ko si hime na nasa harap ng salamin at nagsusuklay. Lumapit ako sa kanya at kinuha sa kanya ang suklay at ako ang nagsuklay sa buhok niya. Ganito talaga ang ginagawa ko sa kanya dahil madalas wala si mom dahil nagbabakasyon siya ay ako ang nagsusuklay sa buhok niya. Mahaba kasi ang buhok nito kaya nahihirapan siyang suklayin ito. Ayaw niya kasing putulin ito eh dahil nangako siya kay kuya Ian na pahahabain at aalagaan niya ang buhok nito. Lagpas tuhod na nga ang haba nito iniipitan na lang niya para hindi magsagabal sa mga mission namin. Hindi nga alam ng mga kaibigan namin na ganito kahaba ang buhok ni hime eh. Pagkatapos kong sulayin. Tinirintas ko ito, talagang nagpaturo ako ka

