When can you tell if you love him? - jlcamp
"Putang ina niyaaaaaaaa!!!" sigaw ko sa loob ng kwarto sa boss ko "Tang ina bakit ako ganto?? Hindi niya ba nararamdaman na mahal ko siya? na hindi lang tropa ang pagtingin ko sakanya? Tang ina bakit ang tigas niyang taooooo bakiiiit!!"
Sapagkakataong ito kailangan ko ng ilabas to ng sobra sobra. Para akong mamamatay, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nagpakalasing ako ng todo paramawala lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Tama yan ilabas mo yan yan. Iiyak mo lang" sabi ng Boss ko. Mahal na mahal ko si Jayson kung pwde ko lang makausap si Lord na gawin akong babae gagawin ko.
Sobra sobra akong nakakaramdam ng pang liliit sa sarili ko. Hindi ba ko kamahal maha? Hindi ba ako pwdeng ituring na para isang tunay na babae? Bakit hindi makita ni Jayson yun? Bakit hindi maramdaman ni Jayson kung gaano ko siya kamahal.
Kahit sa maliit na chance bakit hindi niya makita yun? Tang ina may puso din naman ako na kayang mag mahal ng tapat at totoo.
Hindi ko alam kung kaya kong umatend ng kasal nila. Hindi ko alam kung kaya ko pang lokohin ang sarili ko. lokohin ang sarili ko na masaya pag kaharap sila.
Unti unti akong nauubos at nawawasak mas masakit papala to kesa sa bugbog ng tatay ko, sa hampas ng walis tambo akala ko yun na yung pinaka masakit may mas isasakit pa pala.
Dumating ang inakatakutan kong araw. Tinignan ko ang sakin sarili sa salamin kung okay na ba ako? Kung kaya ko ba? Umupo ako sa kama at tinignan ang invitation nila. Pinagmamasdan ang magandang ngiti ni Jayson.
Muli akong napaluha "Kailangan ko tong tanggapin. Kailangan ko tong harapan" sabi ko sa aking sarili. Siguro ito yung tamang process to heal. Na hindi kailangan takasan ang sakit kundi damahin ito para mawala ng kusa.
Nag commute ako papuntang simbahan. Ngapa nganga naman ako sa sobrang ganda nito.
Sobrang lawak ng simbahan na pagkakasalan nila. Bawat upuan at punong puno ng mga puting rosas, bawat magkatapat ng upuan ay may pa U na green at may mga rosas na naka sabit dun. Hindi mawawala ang mapulang red carpet papuntang alter. Sobrang ganda para akong nasaloob ng fairy tale.
Pero ang nararamdaman ko hindi maganda sa pagkat patuloy akong nawawasak sa pagkakataon na yun. Nag simulang tumugtug ang theme song nila
Now Playing – beautiful in white
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word
So as long as I live I love you
Will haven and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
You look so beautiful in white, yeah yeah
Na na na na
So beautiful in white
Tonight
And if a daughter is what our future holds
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did
Yeah, and if she falls in love, we'll let her go
I'll walk her down the aisle
She'll look so beautiful in white, yeah yeah
So beautiful in white
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
Na na na na
So beautiful in white
Tonight
Ang hirap mag pigil ng luha lalo na yung taong mahal na mahal mo eay ikakasal na sa iba. Mali ko bang minahal ko si Jayson? O mas maling hindi ko siya pinaglaban?
Nang lumabas si Chesca at dahang dahan lumalakad papuntang alter ay napa hagugol naman si Jayson. Ang sakit makita na yung taong mahal na mahal mo ay umiiyak sa saya sa taong mahal na mahal niya.
Sigro pag natapos ko tong kasal nila ay mawawala na tong pagtingin ko kay Jayson. Kaya kailangan kong tiisin ang sakit.
Ng matapos na ang kasal ay agad na kong dumiretsyo ng reception. Naka upo si Chesca at si Jayson sa gitna ng table.
"Goodevening everyone!" panimula niya "Nais ko lang magpalasamat sa mga taong pumuna sa mga kaibigan ko, pamilya ko at sayo Ivan" nagulat ko na bakit may pa special mention pa ko. lahat tuloy ng tayo sa loob ng reception ay nakatingin sakin.
"Ngayon na magiging tatay nako ng future asawa ko ay sobra akong na gagalak. Ang sarap sa pakiramdam namakahanap ng taong makakasama mo habang buhay tipong araw araw magiging masaya ka, araw araw may tatawag sayong mahal at soon may tatawag sakin na papa" at ang lahat ay nag si tawanan dahil sa huling sinabi ni Jayson.
Play Baubaya while reading this Chapter.
Masaya ang lahat samantalang nadudurog ako ng pa unti unti. Nang abala na ang lahat sa pag kain at inuman nakita ni jayson na lumabas ako reception.
"Ivan san ka pupunta hindi pa tapos ang event!" pasigaw niyang pagtawag sakin habang ako parang walang naririnig. Patuloy akong naglalakad hanggang sa makarating ng parking lot. Nilabas ko ang yosi ko at dun nanigarilyo.
"Hoy! Kelan ka pa natutong manigarilyo ha?" kinuha niya to sakin at inapakan. Napatitig ako sakanya at kumuha ulit ng isang sigarilyo pero kinuha niya ulit ito at inapakan.
"Ano ba! Sinasayang mo yung yosi ko!" mataas kong tono na siyang kinagulat niya. Tinapik niya ang aking dibdib "Hoy anong nangyayare sayo? Okay ka lang ba?" pagtatanong niya guguluhin na sana niya ang buhok ko pero pinigilan ko siya.
Nahalata niya na may kakaiba sakin. Siguro nakikita na niyang nadudurog ako sa nangyayare.
"Parang tanga ano ba?" paulit niyang tanong.
"Bakit kaba andito? Bumalik ka nga dun sa asawa mo!" matapang kong sabi. Alam kong sa sinabi ko na bigla si Jayson
"Huh? Bakit may problema ba?" sa paulit ulit niyang pag tatanong ay naiirita ako. Kinakabahan ako, kinakabahan ako dahil gusto ko ng sumabog. Gusto ko ko ng umamin sakanya at gusto ko ng ipagtapat lahat ng nararamdaman ko.
Wala na kong pakeilam kung iwasan niya ko after nito, wala na din akong pake kung mawala ang pagkakaibigan namin ang importante nasabi ko sakanya at nailaban ko.
"Bumalik ka na nga dun! Mukhang masaya ka naman sakanya" sarkastik kong tono.
"Ano bang problema Ivan? Tapatin mo nga ako? Akala ko ba okay na tayo?" sambit niya sakin. Kita ko sa mukha niya na wala talaga siyang kaalam alam sa nararamdaman ko para sakanya.
Lumapit siya sakin at tinulak niya ko sa kadahilan wala siyang nakukuhang sagot sa mga tanong niya. inayos ko ang aking sarili mula sa pagkakatulak.
"Ano Ivan hindi ka ba talaga sasagot!?" muling siyang lumapit sakin ay nilukot ng dalawa niyang kamay ang parteng tela sa dibdib ko. sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at kita ko sa mga mata niya ang inis at galit.
"MAHAL KITA!!" pasigaw kong sinabi sa pagmumukha ni Jayson. Dahan dahan niyang binitawan ang pagkakalukot ng damit ko at napaatras.
"Mahal kita Jayson! Mahaaal na mahaal!" pag ulit kong sabi. "Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Hindi ka naman siguro bingi diba? Tama ang narinig mong MAHAL KITA" sa oras na yun humihikbi nako ng iyak dahil siguro nasasabi ko na sakanya yung matagal ko ng hindi masabi sabi
"Pe-pero bakit?" sabi niya
"Hindi ko din alam Jayson pero yung mga ginagawa mong efforts sakin. Yung mga sweets na ginagwa mo sakin. Yung ikaw yan ang dahilan kung bakit ako na fall sayo. Hindi mo ba alam na araw araw kitang iniisip kung kumain kana ba? Kung kamusta kanaba. Kung nakauwi kana ba. Gusto kong mag i love you sayo araw araw pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa baka kasi umiwas ka. Sorry kung minahal kita ng hindi mo alam. Yung mga pag sundo sundo mo sakin binigyan ko ng kahulugan yun. Kaya nung unang araw na nakilala mo si CHesca sobra akong nasaktan kasi pakiramdam ko iiwasan mo na ko" paghahagulgol kong sabi
"So isa kang—"
"Bakla! Oo Jayson isa akong bakla! Isang bakla na kahit kailan hindi magagawang mahalin ng iba lalo na ikaw!" sabi ko sakanya
"Pero Ivan alam mo namang straight ako diba? Na hindi ako napatol sa mga kagaya mo" mahinanon niyang sabi.
"Alam ko at yun ang pagkakamali ko sa sarili ko na manimahal kita. Pero nahulog ako sayo, sayo ako nakaramdam ng pagmamahal ng bilang isang tropa at kapatid. Sorry ha? Sorry kung binigyan kita ng lugar sa puso ko. pero promise nilaban kong wag lumaki to promise" napahawak si Jayson sa ulo niyang na parang mababaliw sa mga naririnig. Nagpapaikot ikot sa kinakatayuan niya. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay "Ako nalang Jayson... Ako nalang pakasalan mo please. Para mo ng awa. Gagawin ko naman lahat para sumaya tayong dalawa e, okay lang kahit hindi mo ko mahalin ng pabalik basta hayaan mo kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal please Jayson please.." pagmamakaawa kong sabi.
"Mahal ko Si Chesca Ivan... at gusto kong mag ka pamilya. Ivan mahal kita pero bilang kaibigan lang at hindi na yun lalampas pa. may mga pangarap akong buoin na kasama ni Chesca at hindi ikaw" biglang tumulu na din ng luha ni Jayson. Tinanggal ko ang pagkakawahak sa kamay ni Jayson.
"Alam ko... alam ko Jayson at nakikita ko yun sa tuwing magkasama kayo. Na samantalang ako nauubos at nawawasak... AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!" napasigaw ako dahil hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Lumapit sakin si Jayson para yakapin ako. Pilit kong kumawala sa pagkakayakap niya ngunit hindi ko magawa. Parehas kaming humahagulgul ng oras na yun.
Nakaramdam ako ng kunting ginhawa sa sarili ko kasi sa wakas nasabi ko ang gusto kong sabihin sakanya.
"Thank you Jayson kasi kahit umamin ako sayo e hindi nag bago ang tingin mo sakin. Siguro bibigyan ko lang ng oras ang sarili kong makalaya sa sakit. Makalaya sa pagmamahal na ako ang may gawa. Sorry Jayson"
Tumakbo ako papalayo sa lugar na yun . pinipunasan ang luha bang unti unti akong lumalayo kay Jayson. Wala na kong pake kung pinagtitinginan nila akong umiiyak ang gusto ko makaalis sa lugar na yun hanggang sa nakataring nako ng kaslada ng biglang
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!!