9pm na ng gabi at ang lahat ay nagkakasiyahan na. Syempre isa na si Jayson at ang impaktang babaeng yun. Masasabi kong medyo nangangapal na ang mukha ko dahil sa alak na iniinom ko. Kung ang mukha ko ay nangangapal ano pa si Jayson madaling malasing yan e.
Napatingin ko sakanya habang nag uusap sila ni Chesca. Aba ang babaeng ito ay panay na ang haplos sa braso ni Jayson. Wala akong magawa kundi panay ang irap sa kanya. Kulang nalang tumirik mata ko sa kakairap sakanya.
"Wait lang guys ha? Mag c-cr muna ako" pasaling lasing na sabi ni Jayson. Kasabay nun ang pag dating ng mga kaibigan ni Chesca "Bes tara sama ka na muna samin" pagaaya ng kaibigan niya na medyo mga lasing na din. Agad naman sumama si Chesca.
"Sampung minuto ng wala si Jayson" sabi ko saking sarili at tinitignan ang orasan sa telepono ko. Iginala ko ang aking paningin para sipatin kung saan ang cr ngunit hindi ko makita gawa ng maraming taong nakatayo at nag sasayawan.
Nakarating nako na kanto ng cover court at nakita ko na ang cr. "Wala namang katao tao dito" sabi ko saking sarili habang nagpapalingon lingon ako kaliwa't kanan. Wala din si Jayson sa CR na yun. Naghilamos muna ako para kahit papaano mawala ang pangangapal ng mukha ko.
Pag labas ko ng CR naisipan ko munang pumunta ng sasakyan ni Jayson para kunin ang power bank ko. habang naglalakad ako papuntang sasakyan ni Jayson. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Napahinto ako sabay hawak sa dibdib ko.
Mga tatlong cartwheel nalang ay nasa sasakyan nako ni Jayson. Sobrang dilim sa lugar na yun. Laking gulat ko ng buksan ko ang hulihang pinto ng sasakyan nakita ko si Chesca na naka patong kay Jayson.
Halos mapunit ang panga ko sa gulat at ganun din sila. Walang pang itaas si Jayson at si Chesca naman naka b*a nalang. Parehas kaming tatlong nag kagulatan. "Uy Van! Anong ginagawa mo dito!?" gulat niyang sabi habang hinahanap niya ang t-shirt niya para suotin.
Para akong binugbog ng tatay ko sa nakita at naramdaman ko. Parang may humahampas sakin ng walis tambo sa likoran ko ng mga araw na yun.
Galit, selos , gigil, inis lahat na ata ng emusyon naramdaman ko. Dahan dahan akong umaatra habang nakatingin pa din ako sakanilang dalawa. "Uy Van parang ewan naman to e" sabi ni Jayson na kita mo sa mukha niya na nagulat talaga dahil sa nakita ko sila.
Umalis ako ng lugar na yun. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa playground na malapit samin para magpalipas ng nararamdaman. Kinuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa lupa na patuloy bumubuhos ng luha ko.
"Ang tanga ko! bakit ko to nararamdaman!?" panimula ko "Hindi ko dapat to nararamdaman kasi bakla ako! Kasi hindi kami pwde para sa isat isa! Hindi ko to dapat nararamdaman at lalong hindi ko dapat siya mahalin!" patuloy na bumubuhos ang luha ko.
Kasalanan ko kung bakit ako na hulog kay Jayson. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sakanya. Na paniwalaan na lahat ng ginagwa niya para sakin. Mali na mag mahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin pabalik.
Tumatawag si Jayson sa telepono ko ngunit hindi ko magawang sagutin. Gusto ko siyang sumbatan sa mga efforts na ginagawa niya para sakin. Gusto kong sabihin sakanya na nasasaktan ako na nawawasak ako pero hindi ko magawa dahil ayaw kong mawala ang pagkakaibigan naming dalawa.
Lumipas ang isang linggo na hindi kami nag kakausap. Ni wala na din akong balita sakanilang dalawa. "Ivan pumasok ka nga muna dito sa office" pagtawag sakin ng boss ko.
"Ivan ano bang nangyayare sayo?" panimula niya "Bigla ka nalang nag kaganyan. Matamlay, hindi makausap tapos lagi mo pang iniskip ang lunch break mo. Aba naman Ivan kung may problema ka sabihin mo naman sakin ng matulungan kita. Kapatid na ang turing ko sayo at sana naman kahit papaano mag open ka sakin. Nalulungkot ako pag nakikita kitang malungkot sa totoo lang" pagtatapos ng Boss ko. Tumingin lang ako sa mga mata niya ng bigla ko siyang yakapin at humagulgol ng iyak.
Sa totoo lang hindi ko na kayang itago yung sakit na nararamdaman ko. Halos gabi gabi naaalala ko ang gabing nakita ko silang nag lalaplapan. Pakiramdam ko naiwan ako sa ere, pakiramdam ko pinag kaisahan ako.
Niyakap ako ng mahigpit ng boss ko ng malaman niya lahat ng kwento about kay Jayson. Awang awa din siya sakin.
Pumukaw ng atensyon naming dalawa ng tumawag si Jayson. Nagkatinginan naman kami ng Boss. Tumango siya sakin, senyales na sagutin ko ito. Niloud speaker ko para marinig din ng boss ko.
"Ivan buti naman sinagot mo na. akala ko hindi mo pa ko kakausapin" paminula niya. Ng marinig ko ang boses niya biglang bumuhos ang luha ko
"Anong bang problema Ivan? Hindi ko maintindihan na dahil lang sa nakita mo kami ni Chesca na magkahalikan e hindi mo na ko kakausapin ng isang linggo. Van na mimiss na kaya kita. Lahat ng text ko wala kang reply pag pinupuntahan naman kita dyan sa 7/11 laging wala. Hindi kana ba napasok?.. Makipag kita ka naman sakin. Mag usap tayo ng personal para naman malaman ko kung anong problema mo hindi yung para akong gago na naghahabol sayo. After shift ko puntahan kita sa bahay mo" pagtatapos niya. Sa Lahat ng tanong niya ang tangi ko lang nasabi ko sakanya e wala ako sa bahay at nasa trabaho ako.
"Ano bang balak mo Ivan?" pagtatanong ng Boss ko
"Hindi ko alam Boss. Nalilito ako, pero sa totoo lang natatakot ako.. na tatakot ako na baka mawala ang pagkakaibigan namin at ayaw kong mangyari yun" sabi ko sa boss ko
"Alam mo Ivan advice ko lang. itapon mo yang nararamdaman mo para kay Jayson. Oo Bakla din ako pero kung gusto mong isave ang pagkakaibigan mo kailangan mo yun gawin. Kahit ako nanghihinayang sa mga kwento mo about sakanya. Sweet, ma-effort na tao si Jayson at masyado mo yun dinamdam. Na nakalimutan mo na yun talaga ang personality niya" pagtatapos ng boss ko
Medyo naliwanagan ako sa mga sinabi niya sakin. Matapos ang Shift ko ay nag aabang nako sa labas ng 7/11. Kinakabahan na baka kasama niya si Chesca. Hindi nag tagal na dumating na si Jayson at laking salamat kasi hindi niya kasama si Chesca.
Ng makaupo ako sa harapan ng upuan ng sasakyan niya bigla niya kong niyakap. Sa oras na yun nakaramdam ako ng kilig at tuwa ng bigla kong naalala ang sinabi ni boss sakin
"Alam mo Ivan advice ko lang. itapon mo yang nararamdaman mo para kay Jayson. Oo Bakla din ako pero kung gusto mong isave ang pagkakaibigan mo kailangan mo yun gawin"
"Sweet, ma-effort na tao si Jayson at masyado mo yun dinamdam. Na nakalimtan mo na yun talaga ang personality niya"
Hindi ko siya niyakap pabalik. "Yown! Akala ko dedma nako forever e" sabi niya sakin na may magandang ngiti. "Gago ka namiss kita!" sabay g**o ng buhok ko. nagulat ako dahil muli niya yun ginawa sakin. Gusto kong tanungin kung kamusta na sila ni Chesca ngunit hindi ko nalang ginawa kasi panigurado masasaktan at masasatan ako pero alam mo kasi yung curiosity ko sumasabog e. "Tara na umalis na tayo kung san man tayo pupunta" pag tatapos ko.
Nagulat ako ng makita ko ang pagilid "Uy anong ginagawa natin sa bahay mo?" pagtatanong ko. Ang unang pumasok agad sa isip ko ay mag lalaro kami ng tekken or need for speed or baka mag movie trip. Sa loob loob ko na babawi talaga tong si Jayson.
Ngunit na gulat ako ng pagpasok ko sa bahay ni Jayson nakita ko si Chesca sa kusina na nag aayus ng makakain at may mga abubot sa bawat dingding. "Hi Van!" pangangamusta sakin ni Chesca. Inakbayan ako ni Jayson punta sa lamesa.
Ng makita ko ang buong kusina ay bumungad sakin ang maraming pagkain, may pa cake na tatlong patong, may mga pa lobo tapos mga abubot sa bawat dinging. Sobra akong maraming tanong sa sarili ko
Bakit andito si Chesca, bakit maraming pagkain, bakit may pa cake, bakit may pa lobo, bakit may mga pa abubot sa bawat ding ding. Samantalang tatlo lang naman kami sa bahay ni Jayson pero kung makapaghanda kala mo may birthday party.
Oras na para kumain. Katapat ko si Jayson at katabi niya si Chesca. Ramdam kong may kakaiba sa kanilang dalawa. Hinding hindi ako nag
kakamali. Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang pag t***k nito.
Pinag papawisan ako ng malamig na para kang natatae. Yung pakiramdam na sobrang kabado mo. ganun na ganun yung pakiramdam ko.
"Ivan!" panimula ni Jayson at mas lalong dumadagdag ang kaba ng puso ko. "Hindi ipagkakaila na sobrang importante mo sakin. Half of my life ikaw ang nakasama ko. ikaw ang naka saksi lahat ng adventure ko sa buhay. Im so happy na dumating ka sa buhay ko" hindi ko alam bakit niya sinabi sakin ang mga bagay na yan. Nakangiti siya na lampas mata habansg sinasabi niya yan sakin.
"Ivan alam kong maiintindihan mo ako kasi kaibigan kita. Na laging andyan sa tabi ko sa oras na kailangan ko. para na kitang kapatid" hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi niya ngayon.
So kapatid at tropa lang pala talaga lahat ng pinapakita niya sakin. Tang ina ang sakit.
"Ivan" nagkatingin sila ni Chesca at sabay nilang tinaas ang palisinsingan. "We're getting married!!!" pasigaw na sabi ni Jayson.
Gusto kong magpalamon sa lupa. Akala ko okay na kami ni Jayson. Akala ko babawi na siya sakin. Akala ko babalik na sa dati hindi pala. Mas lalo lang lumala.
Kinuyom ko ang dalawa kong kamao at pinipigilan ang gigil ko. gusto ko silang saksakin gamit ng kutsilyong nasa harapan ko. o kaya ihampas ang basong nasa gilid ko. Bigla kong narinig ang boses ng boss ko.
"Alam mo Ivan advice ko lang. itapon mo yang nararamdaman mo para kay Jayson. Oo Bakla din ako pero kung gusto mong isave ang pagkakaibigan mo kailangan mo yun gawin"
"Sweet, ma-effort na tao si Jayson at masyado mo yun dinamdam. Na nakalimtan mo na yun talaga ang personality niya"
Pinilit kong ngumiti kahit nawawasak na ko. "Wa-wow! Ge-great! Great yan! Atleast nahanap mo na yung babaeng para sayo diba? Nga pala kelan na ang kasal?" patutal utal kong sabi kay Jayson.
Tumayo si Jayson sabay yakap sakin habang naka upo ako "Alam mo Ivan thank you kasi alam kong kasama sa prayers mo to" na gagalak niyang sabi sakin. "Nga pala ang kasal sa susunod na linggo" sabi niya.
Labis ko tong kinagulat "Bakit naman ang bilis? E diba kakakilala niyo lang naman? Tsaka bakit kailangan madaliin?" pang kukwesyon ko.
"Bakit naman papatagalin kung dun din naman ang punta diba?" ngisi niya "Tsaka kailangan ng madaliin kasi ang magulang ni Chesca lilipad na ng USA kaya bago sila umalis dapat ma kasal na kami. So pano best man kita ha?" Ngisi niya na may kindat pa sakin.
Samantalang si Chesca naka ngiti lang sakin. Wala tong pinag kaiba sa tatay kong mahilig akong bugbugin. Walang pinagkaiba to. Hindi rin nag tagal ay nag sabi na kong uuwi. Nung una hindi pa ko pinaaalis ni Jayson pero nag pumilit nako kasi kung hindi ako mag pupumilit mas lalo akong mawawasak sa nakikita ko. ihahatid na sana ako ni Jayson pero hindi ako pumayag nag commute ako papunta sa bahay ng boss ko.