When can you tell if you love him? - jlcamp
1pm na ng tanghali ng makita ko ang oras sa telepono ko. "Nako nag aantay na panigurado si mama" sabi ko sa aking sarili. Ng sabihin ko kay Jayson na uuwi nako pinigilan niya ako. Ihahatid nalang daw niya ako pero sasamahan ko muna siya na mag mall. Hindi naman na ako nag inarte kaya sumangayon nalang din ako sakanya
Habang nagmamaneho si Jayson papuntang mall inopen up niya yung about kay Chesca. Nakaramdam ako ng asar ng marinig ko ang pangalan ng babae na yun "Uy Van anong tingin mo kay Chesca?" panimula niya "Alam mo nakikita ko namang okay siya. may pangarap sa buhay ikaw ba?" pag tatanong niya sakin. Hindi naman pagkakailang hindi malabong hindi siya mag ka gusto kay Chesca maganda, matangkad, maputi, pitit, blandina at may pangarap daw sa buhay.
Nung andn nga kami sa bahay nila Cris ni hindi ko nga nakausa yung babae na yun kaya pano ko masasabing may pangarap siya diba? And beside matanda na sin si Jayson mag hahanap at mag hahanap yan ng babaeng makakasama habang buhay. Samantalang ako umaasang sana siya ang makasama ko habang buhay Char!
Ng makarating kami sa mall ang pinuntahan namin ay sa store ng mga instrument. Kasi nga diba mahilig siya sa mga instrument. Habang tumitingin tingin siya sa loob ako naman parang tangang nag mamasid masid sa labas ng store. Pinagmamasdan ang mga taong nadaan
Nang bigla akong tawagin ni Jayson. Hawak hawal niya ang violin tsaka tinong sakin kung maganda ba. E anong malay ko naman sa mga instrument na yan diba kaya kahit hindi ko alam kung panget ba ito sinabi ko nalang na maganda at naniwala naman siya sakin.
"Ano kain tayo?" Pagaaya niya habang nag lalakad kami. Kumain kay sa Kuya J's sa pabotiro niyang kumain dun masarap naman kasi talaga lalo na yung manok nila. Ng palabas na kami ng Kuya J's nakasalubong namin ang babaeng feeling white lady, oo si Chesca nga "Anong ginawa nito bakit andito to?" sabi ko saking sarili.
Syempre agad naman kinausap ni Jayson kung ano ang pakay dito at hindi sa pagiging chismosa kaya lumapit ako para makisali sa conversation nila. Andito si Chesca para bumili ng isang damit na gagamitin sa kasal ng kaibigan niya.
"Uy Jayson ano sama ka? Baka libre ka" nakangiting aya niya kay Jayson ito naman si Jayson hindi na nag dalawang isip na nag oo naman ito "Sige kailan ba?" pag tatanong niya habang ako naka krus ang dalawang kamay at nakatitig sakanilang dalawa. Bigla akong inakbayan ni Jayson "Sure pwdeng pwde kami nyan ni Ivan diba ivan?" halos dumikit ang mukha ko sa kilikili niya sa pag kakaakbay niya sakin. Napatingin sakin si Chesca ng sinabi ni Jayson yun. Kita mo sa mukha ni Chesca na parang ayaw ako isama pero wala siyang nagawa.
Bago mag hiwalay ang landas namin ni Chesca ay nag beso beso pa ito na siyansg kinagulat at ikinilig ni Jayson "Uy Van nakita mo yun hinalikan ako ni Chesca sa pisngi" pang siko niya sakin sa tagiliran ko. nakaramdam nanaman ako ng selos at patago ko siyang inirapan.
Habang hinahatid nako ni Jayson sa Bahay siya hindi maalis ang mga ngiti nito. "Ah jayson?" mahinanong pag btawag ko sakanya "Yes Van ano yun?" sagot niya
"Pano kung hindi nalang ako sumama?" bigla kumunot ang noo siya sabay lingon sakin ng mabilis
"E kasi diba Friday yun? Alam mo namang may pasok ako nun e diba?" totoo namang may pasok ako nun. siguro hindi ko lang kayang harapin ang selos na mararamdaman ko pag nakita ko nanamang masayang nag uusap si Jayson at Chesca.
"Hoy Van parang ewan to e! nag oo nako kay Chesca kaya sumama ka. Kung gusto mo ako nalang kakausap sa boss mo para naman makasama ka" pag dadahilan niya sakin. Isang bagay din ito kung bakit nagiging mali ang pangtingin ko kay Jayson. Masyado siyang ma effort gagawin niya lahat para makasama ka. Nararamdaman ko ba to kasi bakla ako?
Ng makarating na ako sa iskinita ng bahay ko ay agad akong bumaba para bumama. Hindi ko na sinagot sa huling tanong sakin ni Jayson. Habang nag lalakad ako papalayo ay tinatawag pa ko ni Jayson "Hoy Van! Sa Friday ha? Ako na bahal sayo sagot kita" sabay pasok sa loob ng sasakyan at umalis na.
"Haays" sabi ko saking sarili. Sa aking paglalakad bumungan sakin ang isang bata na pinapalo ng kanyang ama. Bigla akong naawa sa bata ng makita ako ang itsura niya. Umaatrsa habang naka upo sa lupa nakatas ang dalawang kamay na tilang sasalagin ang palo sakanyang ama. Nasa ganung posisyon ang bata.
Naalala ko bigla ang tatay. Simula 7 years old hanggang 15 years old grabe p**********p na ang dinanas ko. ewan ko kung bakit galit na galit siya dahil naging bakla ako. Walang araw na pinaghahampas ako ng walis tambo o di kaya pinag babato ako ng makakapal na kaldero. Gusto ko kung lumaban pero hindi ko magawa kasi pag ginawa kong lumaban mas lalo akong papaluin.
Walang ng lugar ang pasa sa mga katawan ko. tanging iyak lang ang naririnig ko sa mama ko.
May isang araw na nag aayus siya ng mga kabinet ng biglang gumulong saharapan niya ang isang kulang itim na mahabang bilog. Pagkabukas na dito nakita niyang pulang pula ag nasa loob. Tama lipstick nga yun. Hindi niya pwdeng sabihin na kay mama yun dahil hindi naman pala lipstick si mama.
Sa sobrang gigil niya sinabunutan niya ko at itinali na nakabaliktad. Ng makita ako ni mama grabe ang iyak niya at awa sakin. "Pa tama na yan please" sabi niya kay papa habang nahagulgul ako ng iyak. Isguro buoong araw akong naka baliktad. Inisip ko kung anong mayroon sa pagiging bakla at bakit galit na galit ang papa ko sakin.
Masipag naman ako nung bata ako. Lahat ng ipagawa nila ginagawa ko ahat ng utos nila sinusunod ko kaya labis akong nag tataka bakit galit na galit sila sakin. Mayroon pang isang eksena sa buhay ko na nakitulog kami sa bahay ng kapatid ni papa. Yung mga kapatid ni papa may anak na isang lalaki at isang babae. Binata na yung anak niyang lalaki siguro mga naka 19 or 20 years old.
So sinabihan ako ng kapatid ni papa na sa kwarto nalang daw ako ni Eman tulog. Alam ko sa sarili ko na mahilig akong mangyakap pag natutulog sa tuwing matutulog ako hindi pwdeng wala akong hotdog na unan.
Pag dating ng umaga nagulat ako sa sigaw ng tatay ko na siyansg dahilan kung bakit nagising ako at si Eman. Dahil nakita ng tatay ko na yakap yakap ko si Eman. Dali dali pumasok si papa sa loob ng kwarto hinablot ang damit ko at kinalakkad ako papunta sa sala.
Ng iginala ko ang pahingin ko nakita ko na nakatingin sakin si mama yung kapatid ni papa at yung anak niyang babae. Nakaupo ako sa sahig at pinagpapalo ako ni papa ng walis tambo. Sobra sobra ang iyak ko ng mga oras na yun habang lumalapit sa katawan ko ang walis tambo ay lumabas si Eman at nakatingin sakin.
Kinuyom ko ang dalawa kong kamao sa sobrang galit at sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na yun. Tinatanong ang sarili na kung bakit ko to pinagdadaanan na ssa murang eded e ito ang pinaparanas sakin ng malupit kong ama.
"Jun! TAMA NA YAN!" pagawat ng kapatid ni papa. Nilingon ito ni papa at agad na lumapit sakin si mama na humahagulgul ng iyak. Wala akong ginawang mali ano bang mali sa ginawa ko? nahuli lang ako na kayap si Eman matulog ganun na agad ang dapat gawin sakin. Anong magagawa ko kung mahilig akong yumakap pag natutulog kasalanan ko ba kung ganun ako?
"ANO BANG PROBLEMA MO!?" tanong ulit ng kapatid ni papa. Tinignan ko sila mata sa mata at tumakbo papalayo "IVAAAAN!!" sigaw ni mama habang pinag mamasdan niya kong tumatakbo papalayo.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno at yakap yakap ng sarili. Damang dama ang hampas ng hangin sa aking balat. "Ito Kumain kana muna panigurado wala ka pang almusal" nilingon ko ang boses na nasa likod ko at bumungad sakin si Eman. Hindi kami gaano close hindi dahil narin siguro hindi kami madalas nag pupunta sa bahay niya. "Grabe ka naman niya saktan" mahinanong sabi niya sakin
Tumingin ako sa mukha niya at binaling ulit sa kawalan "Hindi ko din alam kung bakit" ngumisi ako "Sorry nga pala kanina ha?" napatungo ako habang nakayap pa din saking sarili.
"Sorry San?" pagtatanong niya "Ahh yun kanina? Dahil ba dun kung bakit ka sinaktan ni tito?" pag aalalang sabi niya
Ngumisi ulit ako "Oo e. hindi ko naman kasalanan kung ganun ako matulog? Anong naman magagawa ko kung ganun talaga ako matulog diba?" tumawa siya ng marinig yun sakin
"Ano kaba walang issue yun sakin. Hayaan mo kakausapin ko si tito" bigla ako napahawak sa kamay niya na tako na tako "Wag na" sabi ko sakanya. Sa mga oras na yun nagulat ako sa ginawa niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit nasa pusisyon ako ng nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Parang may nag bukas ng gripo sa dalawa kong mata at tuloy tuloy ang buhos ng mga luha ko. "Sige lang iiyak mo lang" sa sinabing niyang yun ay lalo akong humagulgul ng iyak.
Nilagaya ko ang dalawa kong palad sa dibdib niya at dahan ddahan tinutulak ang aking sarili. "Eman hindi mo ba alam?" Panimula ko tumingin lang siya sa mga mata ko "Na ano? Na bakla ka?" nanlaki ang dalawa kong mata at pilit kumakawala ng luha ko pero pinipigilan ko ito. "Alam ko Ivan. Alam ko ang pagkatao na mayroon ka. Ano naman kung bakla ka tao ka pa din naman e. tao ka na may nararamdaman at may mabuting puso"
Hindi ko na nagwang pigilan ang luha ko at bumuhos na ito. Simula ng nabuhay ako sa mundo ngayon lang ako nakarinig ng ganung salita na may taong ipapaintindi sakin kung gaano ako importante. Binigyan niya ko ng ngiti at muli niya kong niyakap
"Tama na yan pumapanget ka lalo" para akong nakalutang ng mga oras na yun . na kung anong mag paruparong lumilipad sa loob ng tyan ko. kaya simula nun yung galit ko sa tatay ko mas lalong lumalim ng lumalim.
Dumating ang Friday at ako ay hindi mapakali. Hindi ko binigay ang Number ng boss ko kay Jayson baka kasi kung ano pa ang sabihin nun. nung sinubukan kong mag paalam na halfday lang ako pumayag naman siya. agad kong tinext si Jayson na makakapunta ako kayo Hanpon pa. umaga kasi start ng event tapos hapon pa ko makakahabol. Nag reply naman si Jayson at ang sabi susunduin niya naman ako.
Hindi nag tagal na dumating na si Jayson. Pinagmamasdan ko lang siya habang iniikot niya ang sasakyan niya. Sinaba niya ang salamain ng sasakyan niya sabay senyas na sumakay nako. Bubuksan ko na sana ang unahang pinto ng sasakyan niya ng bigla niya kong pigilan. "Van sa likod ka nalang dyan kasi uupo si Chesca mamaya" para akong sinaksak sa puso ng maraming beses sa narinig kong yun. Sampung kilong selos ang naramdaman ko. umurong ako ng dahan dahan para buksana ng huling pintuan ng sasakyan.
"Van kumain kana ba?" Aniya hindi ko siya sinagot na kunwari busy ako sa kakalikot sa telepono ko kahit maulit ulit ko lang naman tong iniscroll up and scroll down "Uy Van!" hindi pa din ako kumikibo
Nakakaasar bakit kelangan pang isama si Chesca at saharapan pa nag mumukha tuloy akong chaperone
May lumipad sakin na puting t-shirt ng siyang pumukaw ng atensyon ko "Ano ba!?" hindi ko napigian at nataasan ko siya ng boses. Natulala at nagulat si Jayson sa narinig niya "Okay ka lang ba?" pagaalalang tanong niya "Ahh medyo hindi e napagod lang siguro ako sa trabaho" pagsisinungaling ko pero ang hindi naman talaga ako pagod dahi wala naman gaanong costomer kanina "Kung wag nalang kaya ako sumama dun?" pag suggest ko sakanya.
"Anong wag sumama baliw kaba? Naka oo na tayo diba? Tsaka may mahihigaan ka naman dun for sure.. dun ka nalang mag pahinga" ano pa nga ba basta si Jayson ang nag sasabi wala akong magagawa kundi sumunod nalang. Sabi nga sa kanta "Kapag tumibok ang puso wala kang magagawa kundi sundin ito"
Dinaanan namin si Chesca sa MCdo. "Hi Jayson! Hi Ivan" ngiting bungad niya samin. Jusko kung maka beso si ateng mo akala mo wala ng bukas. Lagyan ko nalang kaya yan ng pandikit para mag sweet. Habang nag mamaneho si Jayson nilabas ni Chesca ang fries na binili niya sa MCdo habang ako nasa gitnilang dalawa.
Nag umpisang uminit ang dugo ko ng sinubuan ni Chesca si Jayson ng Fries while driving "Uy Baka naman gusto mong mag alok no?" pagmamaldita kong sabi sakanya. At minalditahan din ako binigyan pa naman ako ng iseperate ng fries at nisolo lang nilang dalwa yung isnag fries. Diba nakaka bwisit.
Ng makarating na kami sa event hindi agad pumunta si Chesca sa isang room para mag ayus. "Guys Iwan ko na muna kayo ha? Mag kita nalang tayo sa reception" pagpapaalam niya.
Wala kaming kakilala dun kundi si Chesca lang "Tara dun tayo" pagturo ni Jayson. Ang ganda ng theme ng kasal little mermaid ang theme ang ku-cute ng mga lamesa at mga design na nakalagy doon. Isang malaking cover court. May mga malalaking lights tapos may pa banda pa. ang shala ng kasal na to mukhang mayaman ang pamilya
Habang naka upo kami ni Jayson "Soon Van mararanasan ko din to" ngisi niyang pagkasabi. kumonot ang noo ko ng tumingin sakanya "Huh? Kanino nama?" patanong ko
"Edi kanino pa kay Chesca.. Alam mo Ivan sigurado nako kay Chesca. Pakiramdam ko nga mahal ko na siya. kasi tignan mo parehas kami ng gusto tapos mag kasundo pa kami sa lahat ng bagay oh diba swak kami para sa isat isa" napalunok ako ng bongang bonga dahil sa mga pinagsasabi ni Jayson
"Aba teka ang naman Son. Kelan mo lang ba yan nakilala si Chesca? Isang buwan? Dalawa? Pano ka naman nakakasiguru na kayo talaga para sa isat isa?" pagkikwesyon ko kay Jasyon. "Grabe naman to alam mo wala naman yan sa tagal e. bakit naman yung iba matagal ang ligawan pero ang ending nagkakahiwalay pa din diba? Wala sa tagal yan Van nasa pagmamahalan yan"
Sa mga oras na yun para akong masusuka. Hindi ko matanggap sa sikmura ko yung mga pinagsasabi niya tungkol kay Chesca "E pano kung niloloko ka lang niya? Pano hindi pala pagmamahal ang nararamdaman niya para sayo? Pano kong dahil lang sa yaman mo kung bakit siya lumalapit sayo?" sabi ko sakanya
"Alam mo Van napaka better mo sakin. Please support naman Van yun lang ang hinihiling ko sayo. Tsaka Van buo na ang desisyon ko mag ppropose ako sakanya" gusto kong basagin lahat ng basong nakikita ko sa paligid ko ng mga araw na yun. Tang ina pano niya nasabi na mahal na niya agad yun e bago palang naman sila nagkakilala e ako nga tagal ko na siyang mahal pero ni minsan hindi niya yun nakikita. Nakakapagod mag mahal ng ako lang ang nakakaalam punyeta!
When can you tell if you love him? – jlcamp handa kanaba sa susunod na mangyayare?