Simula
Prologue
"Ipinanganak sina Jai Ramirez sa mental hospital at bunga silang magkapatid ng pangmomolestiya dahil may depression ang kanilang ina. ngunit malalaki na silang magkapatid bago nila nalamang bunga sila ng pangmomolestiya at ang taong gumahasa sa kanilang ina ay minahal din nila bilang ama dahil hindi ito nagkulang sa kanilang magkapatid.
Nang Mamatay ang kanilang ama at Lola ay napasa ang custody nilang magkapatid sa matandang dalagang tyahin nila at ng malaman nito ang Tunay na nangyari kong paano sila nabuo ay tudong pag protekta ang ginawa nito sa kanila dahil sa takot na baka matulad sila sa Nanay nila kaya maski sa trabaho ay magkakasama silang tatlo.
Ngunit pilya si Jai at masyadong mabarkada pero mapagmahal na kapatid sa araw-araw nyang pagsakay sa pampublikong sakayan ay nakasabay nya ang hunks na madalas nagbibigay sa kanya ng ma-uupoan sa pag aakalang buntis sya dahil sa malusog nyang katawan ay madalas syang mapagkamalang buntis at madalas ipaglaan ng mga nakakasakay nito ng ma-uupoan.
Ngunit nabisto ni Elliot Mercado ang pagpapanggap na ginagawa ni Jai Ramirez ng makita sya nito sa isang grupo ng mga rider kaya bilang ganti ay pinagbayad nya ito ng kinain nya ngunit lalo syang nainis sa Dalaga ng tarayan pa sya nito imbes na mag sorry.
"Nang muli silang magkita ay sa bahay na nya at nalaman din ni Elliot na si Jai din pala ang malditang tagalinis nya sa Condo at si Jai naman ang nag akalang driver sya ng pamilya Mercado.
Sinakyan din ni Elliot ang maling akala ni Jai bilang ganti sa kamalditahan nito at pinanindigang family driver sya.
Ngunit nagulpi ang kanyang sugarol na ina at si Jai ang tumulong kaya napahanga si Elliot sa ginawang pag aasikaso ni Jai sa maldita nya ding ina at habang tumatagal na nakikita at nakakasama nya si Jai ay napapasaya sya nito ngunit natatakot syang sabihin ang Totoo na sya si Elliot Mercado ang simpleng Milyonaryo at amo ng Dalagang pilya ngunit may malambot na puso.