GULAT akong napatingin kay Isivan, "Isivan! Ano 'yang sinasabi mo?" Ngumuso siya, "Nakakaingit kasi sila Kuya Rafael, dalawa tatay nila.." aniya. Nagkatinginan kaming lahat, nabigla dahil sa huling sinabi ni Isivan. Sinagot ko siya, "K-Kahit na, Isivan.." sabi ko sa kanya. Ngumuso ang kapatid ko, "Sabi nila sir huwag ko daw silang tawaging sir, eh.." Nilingon ko ang pamilyang Miller, 'yong Triplets ay halatang gulat pa din pero ang parents nila ay mukhang nakabawi na sa pagkakagulat. Nakita ko ang paglamlam ng mata ni tita Zel at 'yong tinatawag na Papa ng triplets habang yung tinatawag nilang Dad ay seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kapatid ko. Tumikhim ito, "Pwede mo kami tawagang Papa at Dad.." aniya na ikinagulat naming magkakapatid. Nakita ko pa ang malawak na pagngit

