TATLONG LINGGO na kaming nakatira dito sa bahay ng triplets. Tumutulong din kami sa gawaing bahay kagaya sa paghahanda ng hapag, pagliligpit o paghuhugas nang mga pinagkainan. Si Nanay Nora, mayordoma nila Tita Zel ay lagi kaming pinapagalitan ni Matthew dahil sa pagtulong namin, aniya ay bisita kami dito pero wala siyang nagagawa at ang iba pang maids kapag nilambing na sila ng bunso namin. "'Nay Nora, tulungan namin kayo kasi po pagod na kayo at para makapagpahinga na po kayooooo.." ayan laging linya ni Isivan. Si Tita Zel din ay pinapagalitan kami pero kagaya ng kela nanay Nora ay nilambing siya ni Isivan kaya wala ng nagawa si tita Zel para pigilan kami. Si Dj naman ay umo-okay na ang kalagayan pero hindi pa din siya pwedeng mapagod ng sobra pero pwede na siyang maglaro-laro. Isan

