NAPATINGALA ako sa mataas na gusali sa harap ko, ang RTN condiminium. Ang alam ko ay mga sikat,mayaman o mga ma-inpluwensyang mga tao ang karamihan na naninirahan dito. Pumunta na ako ng entrance pero papasok palang ako ay hinarangan na ako ng isang gwardya. "Excuse me po.. kanino po ang punta niyo?" tanong niya. "U-Uhh.. s-sa mga k-kaibigan ko po.." sagot ko, kabado. "Ano po name? Mahigpit po kasi kami dito. Hindi kami nagpapapasok ng kung sino lang ng hindi nagbibilin ang mga resedente namin dito o 'di kaya ay itatawag po namin sa kanila.." anang ng gwardya. Napatango naman ako, "S-Sa M-Miller triplets p-po.. pakisabi mo si Riley Parraz.." sagot ko. Nanlaki ang mata ng gwardya at agad na binuksan ang glass door ng lobby, "Pasok na po kayo, sinabihan na po ako ni sir Nathan na dadat

