UMUSAL ako ng dasal habang nakaluhod sa maliit na chapel dito sa hospital. Madaling araw na at wala pa din malay ang kapatid ko, sabi naman ng doktor na nagtingin sa kanya ay gigising din naman siya pero ang nangyari ay mas lumala pa kaya nasa ICU na ngayon ang kapatid ko. Limitado lang ang taong pwedeng pumasok doon, at hindi kagaya ng private room na pwedeng dalawa o tatlo ang bantay, sa ICU ay isa at nurse pa iyon. Habang nagdadasal ay sumagi sa isip ko ang pinag-usapan namin ng tatlong lalaking gumugulo ngayon sa isip ko. Iwinaksi ko iyon sa isip ko at nagpatuloy sa pagdarasal. Pagkatapos kong nadasala ay agad akong dumeretso sa labas ng ICU kung nasan nakapwesto din ang ibang bantay ng mga pasyenteng nasa loob din. Si Matthew at si Isivan ay nasa kwarto na inakupahan ni Dj kanin

