MAG-DADALAWANG linggo na si Dj sa hospital pati din kaming magkakapatid. Si Matthew o ako lang ang umuuwi sa bahay kapag kukuha ng damit o maglalaba tapos babalik din agad after gawin ang mga 'yon. Minsan sila Aling Lourdes ang nagdadala ng pananghalian at hapunan namin nila Matthew at Isivan dahil si Dj ay 'yong sa hospital na pagkain ang kinakain. Si Mhia naman ay pagkagaling sa school ay pumupunta dito para ibigay sa'kin ang naging notes namin sa araw na'yon. Kasama niya sa pagbisita sina Jeric at Mike. Si Matthew naman ay nagpaalam din sa mga prof na hindi muna makakapasok at ang isa n'yang kaibigan ang pumupunta dito para ibigay din ang notes na nagpaaralan nila. At 'yong tatlong lalaking gumugulo ngayon sa isip ko ay walang pinapalagpas na araw na hindi sila nakakapunta. Kapag t

