"Zeus is my son." Nabingi ako sa mga salitang binitawan ni Travis na parang bombang sumabog sa mga tenga ko. Bahagyang huminto ang sistema ko sa narinig. Hindi ako nakagalaw, naestatwa ako at naramdaman ko na lamang ang maiinit na luha mula sa mga mata ko. Wala akong sinabi, wala akong ginawa dahil maging sa sarili ko ay hindi ko alam ang totoo kong nararamdaman. Patuloy lamang ang pagtulo ng masasagana kong luha habang nakikipagtitigan sa asul niyang mga mata. He stared at me steadily using his blue eyes, malamlam ang mga ito at waring hinihintay ang sasabihin ko pero sa dami ng gumugulo sa utak ko ay hindi ko alam ang unang lalabas sa aking bibig. Paano nangyari? I can feel my knees weaken at wala na akong nagawa nang maramdaman ko ang sarili ko na unti-unting napapaupo sa marble

