bc

My Tita Alora (SPG)

book_age18+
4.6K
FOLLOW
50.4K
READ
billionaire
forbidden
love-triangle
family
HE
age gap
fated
playboy
badboy
sweet
bxg
no-couple
lighthearted
campus
office/work place
childhood crush
love at the first sight
civilian
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pangarap ni Alora na maging fashion designer, ginawa niya ang lahat upang makapunta sa Paris. Doon siya nagtagumpay at nanirahan ng ilang taon, suportado ng kanyang mga magulang kahit hindi siya tunay na anak. Nang magbakasyon siya sa Pilipinas, muli niyang nakasama ang pamilya niya at doon ay muling nakita ang pamangkin niyang si Hellion, ang batang karga-karga lamang niya noon, ngayo’y binata na at mas matangkad pa kaysa sa kanya. Sa muling pagtira ni Alora sa kanilang bahay, hindi maikakaila ang pagiging malapit ni Hellion sa kanya. Hanggang sa isang araw ay nagtapat ito ng damdamin. Magagawa ba ni Alora na layuan ang pamangkin niyang walang tigil na sumusunod sa kanya, o hahayaan niyang guluhin nito ang kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue “Gusto kita, tita Alora.” Saad ng pamangkin ko na ikinatigil ko sa paghakbang. Nanlaki pa ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ng pamangkin ko. Anak siya ng ate ko. Panganay siyang anak ng ate ko. Kaagad kong hinarap ang pamangkin ko upang pagalitan siya sa mga pinagsasabi niya. Kaya naman pala panay ang punta niya dito sa bahay nila mommy at daddy na lola at lolo na niya. Gusto ko siyang pagalitan dahil nakakakilabot ang sinasabi niya. Tinitigan ko ang pamangkin ko. “Umayos ka nga, Hellion! Tita mo ako!” Asik ko sa binata. “And?” Aniya na para bang walang pakialam sa sinasabi ko. “Kilabutan ka nga, Hellion! Anak ka ng ate ko. Dapat ay ginagalang mo ako bilang tita mo hindi yung iniibig!” Singhal ko sa pamangkin ko upang magising na siya sa katototohanan. Kaya naman pala kung pumunta dito sa bahay ay panay ang dala niya ng flower at pagkain. Ako naman na tuwang tuwa ay tinatanggap ko. Ang hindi ko alam ay nanliligaw na pala sa akin. “May nalaman akong sikreto tungkol sayo, tita Alora. Kaya malakas ang loob ko.” Sabi niya habang magkatitigan kaming dalawa. Mukhang gusto niyang ipagpilitan ang nararamdaman niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa pamangkin ko. “Hindi pa ako nababaliw, Hellion. Umalis ka na! Kailangan ko ng magpahinga. Kung maaari ay wag ka ng bumalik pa dito sa bahay ng lola at lolo mo.” Seryoso kong sabi at akmang tatalikuran na sana ang binata ng mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Napatigil ako at hinarap siya. Kunot ang noo habang nakatitig ako sa mukha niya. “Mahal kita, tita Alora.” Wika niya. Bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil sa gusto ko ang sinabi niya kundi dahil sa natatakot ako na baka marinig nila mommy ang sinasabi ng batang ‘to. Bukod sa anak siya ng ate ko ay napakabata pa ni Hellion. 18 years old pa lang siya kaya sigurado akong naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya. Kailangan ay matigil na ito at baka kung ano pa ang masabi ng ate ko. Kahit hindi ko totoong kapatid si ate ay tinuring pa rin niya ako na tunay na kapatid. Napaka swerte ko sa pamilyang kumupkop sa akin ngunit ito lang pala ang igaganti ko sa kanila. “Mag aral ka nalang ng mabuti, Hellion. Hindi yung kung ano-ano ang iniisip mo.” Saway ko sa kanya. Napansin ko sa mga mata niya ang kalungkutan ng sabihin ko yun. “Nag aaral naman ako ng mabuti, tita Alora. Lahat naman ay ginagawa ko.” Sabi pa niya. “Eh ‘di mabuti. Yun ang unahin mo at hindi ako. Aalis naman na din ako at babalik na sa Paris kaya itigil mo na ang kahibangan mo.” Seryoso kong sabi na ikinatigil niya. “Babalik ka sa Paris? Akala ko ba dito ka na mananatili.” Sabi niya sa malungkot na boses. Naramdaman ko din na mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Nasa Paris ang buhay ko, Hellion. Kailangan kong bumalik doon.” Pagdidiinan ko pa. Kitang kita ko ang pag iiba ng aura niya. Kung kanina ay malungkot ang binata ngayon naman ay galit ang itsura nito. “No! Hindi ka aalis dito, tita Alora! Hindi ako papayag.” Galit niyang sabi. Pinandilatan ko naman siyang mata. “Hindi mo ako mapipigilan, Hellion. Pamangkin lang kit—uhmm…” napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Hellion ang pisngi ko at mabilis na nilukumos ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na hinahalikan ako ng pamangkin ko. Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas malakas siya sa akin. Hindi pa nakuntento ang pamangkin ko at kinagat pa niya ang ibaba kong labi dahilan upang mapasinghap ako. Mabilis niyang kinuha ang pagkakataon na yun at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. “H-Hellion..” nasabi ko pa ng subukan kong itulak ang mukha niya. “Akin ka lang, tita Alora. Walang ibang lalaking pwedeng mag may ari sayo kundi ako lang!” Sabi pa niya ng tigilan niya ang labi ko. Akala ko ay bibitawan na niya ako, ngunit nagkamali ako dahil hinalikan niya muli ang labi ko. Gusto ko sanang hilain ang buhok niya upang masaktan siya. Natatakot ako na baka biglang sumulpot sila mommy at daddy dito at makita kami ni Hellion. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin. Kahit hindi ako tunay na tita ni Hellion ay itinuring ko pa rin naman siyang pamangkin. Naging masaya ako ng isilang siya ng ate ko. Pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pamangkin ko sa akin. Pero paano ko siya itutulak ngayon sa pagpapak sa labi ko kung hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Yung first kiss ko ay nakuha na niya. Hindi ko inaasahan na sa pamangkin ko pa talaga mapupunta. Nakakatayo ng balahibo ang nangyayari sa akin. Para bang bangungot na kailangan kong magising. Ang pamangkin kong si Hellion ay may gusto sa tita niyang 28 years old habang siya naman ay 18 years old. Talagang tatayo ang balahibo ko sa kanya. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng karelasyon na bata kaya dapat lang na makaalis na ulit ako dito sa bahay nila mommy upang makabalik na ako sa Paris. Kailangan kong iwasan ang pamangkin kong kumuha ng first kiss ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.6K
bc

Too Late for Regret

read
308.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
144.0K
bc

The Lost Pack

read
427.8K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook