Chapter 100 Alora’s Pov MAG ISA lang ako sa kwarto nakahiga at hinihintay si Hellion na pinapatulog ang anak namin sa kwarto niya. May sarili kasing room si Alonzo at doon din natutulog si yaya. Pero si yaya kasi naglilinis pa ng kusina. Mamaya pa yun papasok kapag talagang tulog na si Alonzo. Sa gabi nalang talaga ako nakakalapit kay Hellion dahil ayaw ng anak ko. Siya lang daw dapat ang kumandong sa daddy niya. Ayaw din niya na nilalambing ko ang daddy niya kasi nawawala daw sa focus sa kanya. Para tuloy akong pusa sa gilid kasi ayaw akong palapitin ng anak ko sa daddy niya. Si Hellion naman ay panay ang tawa kapag inaaway ako ng anak niya. Tuwang tuwa talaga siya. Nakanguso lang ako habang hinihintay si Hellion na pumasok sa kwarto. Gusto ko ng masolo yun pero hindi ako makaporma

