Chapter 11 Alora’s Pov NAIINIS na ako sa pamangkin ko dahil hindi niya nasundan ang sasakyan ng daddy niya. Hindi pa naman daw niya alam ang daan kaya mas lalo akong napikon dahil magtatagal ang oras na kasama ko siya. Puro kasi kaharutan ang ginagawa imbes na mag focus sa daan. Ang nakakainis pa ay walang signal ang lokasyon namin dalawa. Hindi tuloy ako makatawag kay ate Ching para sana ay hintayin kami. Ito namang pamangkin ko ay panay ang maneho kahit hindi naman siya sigurado. Gusto ko na lang talaga ipalo ang ulo ko sa bintana ng kotse sa inis ko sa pamangkin ko. Mauubusan ako sa kanya ng pasensya. Iginilid na muna niya ang sasakyan dahil magpapahinga muna daw siya sa saglit. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya kaysa naman sa palitan ko siya sa pagmamaneho. Lumabas kam

