Chapter 2

1750 Words
Chapter 2 Alora’s Pov MASAYANG MASAYA ako habang kayakap ko si mommy. Nakauwi na ako ng Pilipinas at agad na dumiretso sa bahay ng mga kinilala kong magulang. Talagang pinaghandaan nila ang pagdating ko dahil may handaan. Tuwang tuwa tuloy ako dahil hindi ko din inaasahan na maghahanda sila. Dumating din ang ate Ching ko at na surpresa siya ng makita niya ako. Tuwang tuwa din siya ng makita niya ako. Para kaming mga bata na nagtatatalon habang magkayakap. “Hindi mo talaga pinaalam sa akin na uuwi ka,” sabi ni ate Ching. “Surprise nga po, ate. Tignan mo na surprise ka ng nakita mo ako,” nakangiti kong sabi sa kinikilala kong ate. “Oo nga naman. Pero masaya ako na umuwi ka. Akala ko kasi doon ka na tatanda sa Paris at wala ka ng balak na bumalik pa dito sa Pilipinas.” Sabi naman ni ate Ching at inayos pa talaga ang buhok ko. “Naku! Uuwi pa din po ako dito, ate. May three months ako na bakasyon kaya matagal tagal niyo akong makakasama.” Sabi ko habang nakangiti sa ate ko. “Mabuti naman kung ganun. May oras ka na para sa sarili mo at para makahanap ka na din ng boyfriend.” Pang aasar na naman niya sa akin at talagang gusto na niya akong magkaroon ng boyfriend. Napangiwi naman ako. “Eh ayaw kong mag boyfriend, ate.” Maktol ko pa. “Anong hindi? Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo, Alora. 28 ka na kaya dapat ay mag hanap ka na ng boyfriend no! Sayang ang ganda mo kung hindi ka maghahanap.” Sabi pa ni ate Ching kaya napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko. Hindi na ako sumagot pa kay ate Ching at ibinaling na lamang ang tingin sa asawa niya. Grabe! Ang yaman na nga ni ate Ching, mayaman pa ang napangasawa niya. Napaka swerte talaga niya. Kaya nga din ako nagsusumikap sa buhay dahil gusto ko ding umangat sa sarili kong pinaghirapan. Mayaman din naman kasi ang pamilya na umampon sa akin at si ate Ching ang magmamana ng lahat no’n. Pasalamat na lang din ako dahil kahit anong desisyon ko sa buhay ay supportado talaga nila. Kaya masaya ako dahil ako ang napili nilang ampunin. “Nga pala, ate Ching, nasa’n na ang mga anak mo?” Tanong ko sa kanya. “Si Leticia yung dumaan kanina, hindi mo lang napansin.” Nakangiti na sabi ng ate ko kaya nanlaki ang mata ko. “Ang laki na ng bunso mo, ate Ching. So, ibig sabihin yung batang lalaking nakaupo do’n ay si Reis ba?” Tanong ko at tinuro ang isang binatilyo na nakasuot pa ng earphone at busy sa cellphone niya. “Oo, yan yung pangalawa ko. Ang laki na no? Para ko na nga lang barkada ang mga anak ko eh. Mabuti na lang at maganda at sexy ako kaya hindi halatang may mga anak na ako.” Sabi ni ate Ching at may kasama pang flip hair. “Sayo na ang korona, ate.” Natatawa ko namang sabi at kunwaring may nilalagay na korona sa ulo niya. “Pero nasa’n ang panganay mo? Si Hellion.” Tanong ko dahil hindi ko pa nakikita ang anak niya na naabutan ko dati bago ako umalis ng Pilipinas. “Naku! Mamaya pa yun. Nasa school. Sigurado akong nag ba-basketball na naman yun. Team captain kasi si Hellion. Lagi din siyang top 1 sa academics kaya talagang proud na proud ako sa anak kong yun. Mana sa asawa ko ang utak eh,” sabi pa ni ate kaya napangiti ako. “Tara na! Kain na muna tayo!” Tawag sa’min ni mommy kaya agad akong inakbayan ni ate Ching sa balikat. Sabay pa kaming naglakad papasok ng bahay. Tinawag pa niya ang asawa niya at inutusan niya itong tawagin ang anak nila na busy sa cellphone. Kumain kami ng sabay-sabay at natuwa ang puso ko dahil matagal ko na din kasing hindi sila nakakasama kumain. Doon kasi sa Paris ay kumakain ako ng mag isa. Walang kasama kaya nasanay na lamang ako. Minsan nga ay hindi na ako kumakain lalo na sa gabi dahil ganun parin naman, wala din naman akong kasabay kumain. Kaya tinutulog ko na lamang ang gutom ko. Matapos naming kumain ay nagpasya na muna akong pumasok sa kwarto ko. Napangiti ako dahil sobrang linis nito. Halatang hindi pinabayaan nila mommy at daddy ang room ko. Hindi din nila pinakialaman ang mga iniwan kong display dito sa kwarto kaya natuwa ako. Pinapahalagahan talaga nila ang mga gamit ko dito. Balak ko na munang maligo at magpapahinga na muna ako. Umalis din kasi sila ate kasama ang pamilya niya. Babalik na lang daw sila mamaya sa bahay para sabay-sabay na naman kami kumain ng dinner. Kaya magpapahinga na muna ako para may lakas akong makipag tsismisan sa ate Ching ko. Pumasok na muna ako ng banyo at agad na hinubad ang saplot ko sa katawan at tinungo ang shower room. Namiss ko talaga ang kwarto ko pati na ‘tong banyo na saksi sa kung ano-anong ginagawa ko kapag nagsusuot ako ng damit at sinusubukan baguhin ang style. Para sa akin ay mabilis lang ang three months na bakasyon ko dito sa Pilipinas pero sisiguraduhin kong mag eenjoy ako sa tatlong buwan na pananatili ko dito. Dumating ang gabi, nakatulog na din ako kahit papano. Nagising ako dahil may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Katulong nila mommy at pinapatawag ako dahil nakahanda na daw ang dinner. Sobrang haba pala ng tulog ko. Mabilis akong bumangon at pumunta na muna ng banyo para maghilamos at mag toothbrush na din. Mabilis ang kilos ko at baka ako na lang ang hinihintay nila. Nang matapos akong maghilamos at mag toothbrush ay agad akong lumabas ng kwarto. Hindi na din ako nagpalit ng damit ko. Nakasuot lang ako ng short at simpleng blouse na sakto lang sa payat kong katawan. Nang makalabas ako ng kwarto ay nag vibrate pa ang phone ko na hawak ko. Tinignan ko na muna kung anong pumasok na message habang naglalakad ako papunta sa hagdan. Nasa second floor kasi ang rooms dito. Bumaba ako ng hagdan at huminto pa ako dahil binabasa ko ang nag message sa akin. Nang mabasa ko ay pinatay ko ang cellphone ko. Nagulat pa ako at mabilis na nag angat ng mukha ng may marinig akong nabasag mula sa sala. Natatanaw ko kasi mula dito ang sala namin. Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa sala at nabasag niya ang isang flower vase. Nagtagpo pa ang tingin namin dalawa. Kakaiba ito makatitig sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin at bumaba na lang ako ng hagdan. “Naku.. nabasag pala ang flower vase dito, manang.” biglang sumulpot si ate Ching sa sala kaya nakita ko siya. Napatingin naman sa akin ang ate ko at ngumiti. Habang ang lalaki na nakatayo ay hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Naiilang tuloy ako sa uri ng titig niya. “O, gising ka na pala, Alora.” Sabi ni ate Ching. Ngumiti naman ako sa kanya at lumapit ako agad. “Ito nga pala ang hinahanap mo kanina..” sabi ni ate Ching at tinuro ang binata na nakatayo sa harapan ko at mataman na nakatitig sa akin. Lumapit si ate sa binata na mas matangkad pa sa’min ni ate Ching. “Ito nga pala ang panganay ko, si Hellion.” Pagpapakilala ni ate Ching sa binatang nakatitig pa rin sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng malaman ko yun. Matamis kong nginitian ang pamangkin ko at agad siyang nilapitan. Kinailangan ko pang tumingkayad para lang maabot ko ang buhok niya. “Ang laki mo na ahh..” sabi ko pa kay Hellion at ginulo ang buhok niya. Hindi naman siya sumagot at nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung may muta ba ako o na tuyong laway na hindi ko pa napansin kanina kaya siya titig na titig sa akin. “Naku, hindi yan palasalita, Alora. Mahiyain kasi yan. Mas gusto pa niyang kausapin ang libro niya kaysa sa tao.” Sabi naman ni ate Ching kaya natawa ako ng mahina. “Mahilig pala sa libro ang pamangkin ko. Sige, bibilhan nalang kita bukas ng gusto mong books. Wala kasi akong pasalubong sayo. Tama lang din pala dahil baka magkamali talaga ako ng bili.” Sabi ko pa kay Hellion. Hindi siya sumagot at wala nalang ginawa kundi ang titigan ako. “O, siya.. kain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain.” Sabi ni ate Ching na nauna pa sa’min ni Hellion na naglakad papunta sa kusina. “Halika na, Hellion.” Pag aaya ko sa kanya kaya tumango siya. Napangiti ako dahil ang tangkad niyang bata. Grabe! Dati ay kinakarga ko lang siya eh, pero ngayon mas matangkad na siya sa akin. Tinungo namin ni Hellion ang kusina at naabutan namin sila mommy at daddy na nakapwesto na. Nakaupo na din ang asawa ni ate Ching at ang dalawa niyang anak. Agad naman akong lumapit sa upuan na bakante. Hihilain ko na sana ngunit nagulat ako ng hilain ito ni Hellion kaya mabilis akong tumingin sa kanya at nagpasalamat. Umupo kaagad ako at talagang inusog pa ni Hellion palapit sa mesa kaya napangiti ako sa pamangkin ko. Gentleman naman pala kahit medyo masungit ang mukha niya. Siguro ay talagang seryoso siya sa buhay. Umupo din si Hellion sa bakanteng upuan na katabi ko. Nagsimula na kaming kumain at panay lamang ang kwentuhan. Inaasar na naman kasi ako ni ate Ching na maghanap ng jowa. Pati tuloy si mommy ay inaasar na din ako kaya panay ang tawa nila daddy at asawa ni ate Ching. Napatingin naman ako sa pamangkin kong si Hellion at napansin na magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Hindi ko nalang pinansin at baka ayaw lang nya sa pagkain. Nakipagkulitan na lang ako kina ate Ching. Ang iingay kasi namin at sumasabay din si mommy at daddy. Nagulat na lang ako ng lagyan ni Hellion ang plato ko ng ulam dahil naubos. Napakurap kurap pa ako at tumingin sa pamangkin ko na nakatingin lang sa plato niya. Hindi tuloy ako nakapag pasalamat. Ang sweet pala ng pamangkin ko. Nakakatuwa naman. Author's Note: Pa add po ng story ni tita Alora at Hellion sa mga library ninyo mga mhie. Para po may notif kayong ma-receive kapag may update po ako. Thank you so much po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD