Chapter 22 Alora’s Pov MAGPAPAHINGA NA ako dahil gabi na. Nandito ako sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin. Ginagawa ang skin care ko bago matulog. Nakabalik na kanina si Hellion at nando’n ang room niya sa guest room. Natuwa pa sila mommy at daddy nang malaman nila na dito titira si Hellion at sabado at linggo ay nasa bahay ng mga magulang niya. Kung sila ay natutuwa, ako naman ay kabado. Alam ko kasi kung bakit nandito si Hellion sa bahay. Alam kong ang goal niya ay landiin ako. Kaya paanong hindi ako kakabahan nito. Nang matapos ako sa skin care routine ko ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. Kanina nga ng malaman ko na nakarating na si Hellion sa bahay ay dali-dali talaga ako bumalik sa kwarto ko at nilock ang pinto. Double lock pa ang ginawa ko upang hindi ako masalisahan

