bc

Mr Madrigal's Secret Affair-SSPG [Dawson Madrigal Series8]

book_age18+
1.5K
FOLLOW
18.5K
READ
billionaire
HE
playboy
dominant
bxg
lighthearted
campus
office/work place
enimies to lovers
multiple personality
assistant
like
intro-logo
Blurb

Para makalaya sa kasal nito si Dawson ay pumayag ito sa condition ng asawa nito. Ang paibigin ni Dawson ang ex bestfriend nito at iwanan sa ere kung kailan napaibig na niya ang dalagang tibo na si Angelo. Ngunit paano kung habang isinasagawa ni Dawson ang plano, mahulog din siya sa dalaga? Magagawa pa kaya niyang iwanan ito at tumupad sa kasunduan nila ng asawa niya para makalaya na siya sa kasal nila? O ipaglalaban ang dalaga kahit ito ay kabit sa paningin ng lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PABALING-BALING ng ulo si Angela Hidalgo o mas kilalang Angelo Hidalgo habang nahihimbing. Pawis na pawis at mahinang umuungol na napapanaginipan ang nakaraan. Hinihingal na ito at nanghihina pero ayaw niyang sumuko sa mga naghahabol sa kanya. "Hanapin niyo! Hindi pwedeng makatakas ang babaeng 'yon! Malilintikan tayo kay boss!" dinig niyang sigaw ng isang lalakeng naghahabol sa kanya. "Diyos ko, gabayan mo po ako," piping usal ni Angelo na nakakubli sa mga nakatambak na basura sa abandoned warehouse kung saan siya dinala ng mga kidnappers! "Huli ka!" "Ahhh! Bitawan mo ako!" nagsusumigaw ito na nahuli siya ng isa sa mga lalake! Nagkatawanan pa ang mga ito na lumapit sa kanya at napapadila ng labi! Bakas ang pagnanasa sa mga mata nila na halatang mga lulong sa bawal na gamot! "Maawa kayo, pakawalan niyo na ako. Mahirap lang kami. Wala kayong makukuha sa pamilya kong ransom." Pagmamakaawa nito. Napahagulhol ito na makitang walang pakialam ang mga lalake kahit anong pagmamakaawa niya. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na makaligtas pa sa kamay ng mga ito. May kaibigan itong mayaman. Iyon ang target ng mga kidnappers na kunin. Pero dahil magkasama sila ng dalaga ay pati siya nakidakip ng mga ito. Nakalaya na ang kaibigan niya dahil tinubos ito ng mga magulang niya. Kaya naiwan si Angelo sa mga kidnappers dahil walang pambayad ang pamilya niya sa ransom na hinihingi ng mga ito. At ngayon ay mas lumala pa ang problema niya dahil nalaman ng mga kidnappers na isa siyang lesbian at hindi lalake! "Kung walang perang pantubos ang pamilya mo sa'yo, pwede namang. . .pagsawaan na lang namin ang katawan mo, miss beautiful." Wika ng isa na may malapad na ngisi sa mga labi. "Tiba-tiba tayo, mga pare. Tiyak na sariwa ito at wala pang nakakatikim. Hindi na ako makapag hintay matikman ang kasariwaan niya!" bulalas pa ng isa sabay tawanan! Napahagulhol si Angelo na panay ang atras. Bawat pag-atras nito, siya namang paghakbang ng mga kalalakihan palapit sa kanya. Tuwang-tuwa pa ang mga ito na takot na takot ang dalaga at alam na wala na siyang kawala sa mga ito! "Parang awa niyo na. Pakawalan niyo na po ako," pagsusumamo ni Angelo na lumapat na ang malamig na semento sa likuran nito. Nanginginig na ang katawan nito sa halo-halong nadarama. Takot, kaba at gutom. Ilang araw na rin kasi itong nasa warehouse at tipid lang ang pagkain at tubig na binibigay sa kanya. "Hwag ka ng pumalag, miss. Masasarapan ka rin naman sa gagawin natin. Kaya ang mabuti pa, magpaubaya ka na lang," wika ng isa na nagsimulang magbaba ng pants nito! Lalong napahagulhol si Angelo na hinihiling na lamang na mamatay na ito kaysa pagsawaan siya ng mga kalalakihan! Hindi niya lubos akalaing sasapitin nito ang gan'tong krimen sa tanang buhay niya! Kung pwede lang ay siya na ang kikitil mismo sa sariling buhay kaysa gahasahin siya ng ilang lalake! "Hwaaaaaaggg!!" "Angelo, gising!!" Napabalikwas ito sa kama na hingal nq hingal! "Nay!" bulalas nito na napahagulhol na niyakap ang ina nito! Naluha naman ang kanyang ina na hinagod-hagod ito sa likuran. Hanggang ngayon kasi ay nababangungot pa rin ang dalaga sa malagim na sinapit noon sa mga masasamang tao! "Tahan na, anak ko. Nandito si Nanay. Tapos na iyon, hmm? Ligtas ka na, anak. Wala ng makakasakit sa'yo." Pag-aalo ng ina nito na mas niyakap ang dalaga. Nanginginig pa ang katawan nito na sobrang bilis ng kabog ng dibdib! Kumalas si Aling Belinda dito na marahang pinahid ang luha ng dalaga. Ngumiti ito na sumapo sa magkabilaang pisngi ni Angelo. "Panaginip lang 'yon, anak ko. Walang makakasakit sa'yo, hmm?" pag-aalo pa nito. "Nay, takot na takot ako." "Tapos na iyon, anak. Tapos na, hmm?" Tumango-tango si Angelo na niyakap muli ang ina. Kahit paano ay unti-unting naging panatag ang puso at isipan nito. Hanggang sa makalma din nito ang sarili. "Uminom ka na muna, anak." Wika ng ina nito na inabutan ito ng tubig. Matapos uminom ay inabot din ni Aling Belinda ang baso dito at inilapag sa mesa sa gilid ng kama nito. "Nay, dito ka naman matulog oh? Baka mabangungot na naman kasi ako," paglalambing nito sa ina na napangiti. "Sige ba. Iyon lang pala eh." PROBLEMADONG inaayos ng dalagang si Angelo ang sarili. Ngayon kasi ang unang araw nito sa trabaho bilang isang encoder sa kumpanyang pinasukan nito. Lalake kasi itong kumilos. Maging sa pananalita at pananamit ay mapagkakamalhan mong tunay itong lalake. Maganda naman itong dalaga. Maliit ang bilugang mukha. Maputi at makinis din ang balat. May kakapalan ang itim na kilay at matangos din naman ang ilong. Manipis ang mga labing natural na mapula at may pagkabilugan ang mga mata nitong ikinabagay niya. Pero mas nagmumukha itong gwapo lalo na't naka-short hair ito at kung pumorma ay panlalake. Black pants at blue long sleeve polo ang suot nito na naka-tuck in. Mabuti na lang at hindi gano'n kalakihan ang hinaharap kaya madali niya lang iyon naiipit. Naka-wax din ang buhok nito na ikinagwapo nito lalo. Na hindi mo aakalaing isa pala itong magandang binibini sa kabila ng gwapo at makisig nitong anyo. Napabuga ito ng hangin na itinupi ang manggas ng polo hanggang siko. Napaka presentable naman na nito tignan pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Unang araw niya sa kumpanya at wala pang kakilala sa mga makakatrabaho doon. Kaya naman kinakabahan ito na baka pagtawanan at hindi siya kaibiganin kapag nalaman ng lahat. . . na tomboy pala ito at hindi tunay na lalake. "Angelo anak. Hindi ka pa ba tapos d'yan? Nasa tapat na ang grab mo," pagtawag ng ina nito mula sa labas ng pinto sabay katok. "Patapos na po, Nay!" may kalakasang sagot nito na dinampot ang perfume na nag-spray sa leeg at palapulsuan. Napahawi-hawi pa ito sa buhok na naka-wax na napangiti sa sarili. Kahit kasi babae siya ay napakagwapo niyang tignan lalo na sa tuwing gan'tong nakaporma ito. Dinaig pa nga nito ang dalawang Kuya nito pagdating sa pagwapuhan at pormahan. Naiiling naman ang ina nito na lumabas na rin sa wakas ang bunso nitong kanina pa paikot-ikot sa harapan ng salamin para ayusan ang sarili. "Nand'yan na sa tapat 'yong grab mo. Paano 'yan?" ani ng Nanay nito. Lumapit ito sa mesa na hinagkan ang inang naghahain ng agahan nila. "Magandang umaga po, Nay." Paglalambing pa nito para hindi mapagalitan ng ina bago bumaling sa ama at mga kapatid na napa-fist bump sa mga ito. "Mauna na po ako. Baka ma-late pa ako sa trabaho. Nakakahiya naman lalo na't unang araw ko ngayon sa kumpanya," pamamaalam na nito. "Papasok ka na walang laman ang tyan mo?" puna ng ina nitong ikinangiwi ng kanyang ngiti. "Eh. . . sa trabaho na lang po, Nay. May pantry naman po kami sa kumpanya eh. Doon na lang po ako kakain." Sagot nito na dumampot ng pandesal na may palamang peanut butter. "Pag-igihan mo, bunso. Hwag mong ligawan lahat ng katrabaho mo, ha? Magtira ka ng para sa amin," pahabol pa ng Kuya Anjo nito na ikinahalakhak nitong tumango sa kapatid na nakatikim ng batok sa ina. "Anong ligaw-ligaw? Walang gano'n, Arjo. Aba. . . unica hija ko si Angela kaya marapat lang na siya ang ligawan." Pagalit ng ina nilang ikinakamot ng mga anak sa ulo. "Eh, Nay. Kita niyo naman ang anak niyo. Binata ho 'yang si Angelo. Mula pagkabata ay one of the boys na 'yan. Tanggapin niyo na lang ho at kita niyo namang masaya si Angelo sa kung sino siya. Na malaya niyang nasusunod ang kagustuhan." Sagot naman ni Adolfo na inirapan ng ina nila. "A basta. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang. . . may lalakeng makakapag patino d'yan sa kapatid niyo at ibalik sa pagiging babae." Parinig pa ng ina na sinadyang lakasan sabay sulyap kay Angelo na naiiling inaayos ang mga gamit nito sa bag. "Alis na ho ako. Mamaya kung saan-saan pa mapunta ang usapan," natatawang pamamaalam nito na lumabas na ng kusina nila. "Bye, anak!" "Ingat, bunso!" Dinig niya pang pahabol ng pamilya nito bago siya tuluyang makalabas ng bahay. Nagmamadali itong lumabas ng gate nila at nasa tapat na nga ang taxi na in-book nito. "Kuya, sa DM'S Corporation po BGC," saad nito sa driver pagpasok ng taxi. Tumango naman ang driver na pinasilab na ang taxi. Umayos ito ng upo na panay ang sulyap sa wristwatch nito. May isang oras pa naman siya pero mas gusto niyang nandoon na sa kumpanya ng maaga lalo na't unang araw niya ngayon sa trabaho. Napapabuga ito ng hangin habang nasa kahabaan ng byahe. Nasa twenty minutes kasi ang byahe nito mula sa bahay nila hanggang sa DM'S Corporation. Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya maluwag ang daan. Napapikit ito na napapapilantik ng mga daliri. Kahit pilit niyang pinapatatag ang sarili ay kinakabahan pa rin ito. Piping nagdarasal na sana. . . sana ay magustuhan siya ng mga katrabaho kahit na isa itong lesbian. Natatakot kasi itong mahusgaan dahil sa kanyang kasarian. Na iilan lang ang mga taong open minded pagdating sa kanilang miyembro ng LGBT. Hindi na rin nito mabilang kung ilang beses na siyang hinamak ng mga tao na mapag-alaman nilang tomboy ito at hindi lalake. Kaya may trauma na rin ito sa sarili na makipaglapit at makipag kaibigan sa mga nasa paligid nito. "Sir, nandito na po tayo." Napabalik ang ulirat nito na magsalita ang driver. Sa dami ng naiisip niya ay hindi na namalayang nakarating na pala sila sa kumpanya! Muli tuloy bumilis ang kabog ng dibdib nito na nandidito na siya sa papasukan. Humugot ito ng dalawangdaang piso sa wallet na ibinayad sa driver. "Maraming salamat ho, Kuya." Anito na bumaba na ng taxi at tinanguhan naman siya ng driver. Napatingala ito sa building. Nakakalula ang taas nito na halos hindi na matanaw ang rooftop. "Are you new here too?" Napapitlag ito na may baritonong boses na nagsalita sa kanyang tabi. Napapalunok itong napasuri ng tingin sa binatang katabi nito na katulad niya ay nakatingala sa building. Napaawang pa ang labi nito na mapatitig sa mukha ng binata. Kahit may suot itong sunglasses ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kagwapo! Kay bango din nito na ang lakas ng datingan. Matangkad kasi ito na may makisig na pangangatawan. Naka-fit sa katawan ang suot na white long sleeve polo na nakatupi din ang manggas hanggang kanyang siko. Naka-black pants at tuck-in kaya bakat na bakat kung gaano kaganda ang katawan nito sa suot. "Ahem! O-oo eh. Ikaw, bago ka rin ba dito?" anito na napatikhim nang nilingon na siya ng binata. Ngumiti itong nagtanggal ng sunglasses na ikinaawang muli ng labi ni Angelo na mapatitig sa mga mata ng binatang kaharap! Chinito kasi ito na asul ang mga matang mapupungay! Nakakaakit makipagtitigan dito na kay ganda ng kanyang mga mata. Idagdag pang makakapal din ang malalantik at mahaba nitong pilikmata. "W-wow. Ang gwapo mo naman," bulalas nito na hindi namalayan. Napahagikhik naman ang kaharap na naglahad ng kamay ditong sunod-sunod na napalunok na napasunod pa ng tingin sa kamay ng binata. "My hand is clean and soft. Pwede ba kitang maging kaibigan dito? Baguhan din kasi ako eh." Ani ng binata na may ngiti sa mga labi. "O-oo ba. Ito na," natatarantang bulalas ni Angelo na kaagad kinamayan ang binata. Sabay pa silang natigilan na napalunok na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa katawan mula sa pagkakahawak nila ng kamay sa isa't-isa. "You feel it too, right? Ang weird." Wika ng binata na ikinabalik ng ulirat ni Angelo. "I'm Dawson. And you are--?" "Ah, eh. . . Angela este--Angelo, bro. Masaya akong maging maibigan ka," bulalas ni Angelo na lihim na napapamura sa isipan na nautal pa ito at nadulas ang dilang nasabi ang totoong pangalan! Mahina namang natawa ang binatang si Dawson na napatango-tango at pasimpleng binasa ang I'd ng kaharap. Unang tingin niya pa lang kasi dito ay alam na kaagad niyang isa itong. . . magandang binibini na nag-aanyong lalake. "Me too, Angelo. Ikinagagalak kong maging. . . kai. . . bigan ka." "H-ha?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook