Drei's Point of view Hinabol ko ang nurse na nagtangkang pumatay kay Rod. Sa fire exit ito dumiretso. Tigdadalawang baitang na sa hagdan ang bawat hakbang na ginagawa ko. Nakarating ako sa basement at natanaw ko ang lalaki na tumatakbo palapit sa puting van na laging naka-park sa likod ng ospital tuwing magtatapon ako ng basura. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para mahabol ito. Naabutan ko ito na hindi magkandatuto sa pagsususi ng pintuan ng van sa driver's side. Nabuksan nito ang pinto at akmang sasakay na sa van nang mahablot ko ang uniporme sa bandang batok nito saka pwersahang iniharap sa akin. Halata sa mga mata nito ang pagkabigla nang dinakma ko ang mukha nito sabay hablot sa suot na surgical mask. Tumambad sa akin ang mukha ng isa sa kidnappers ni Milet, iyong matabang Fredo

