Rod's Point of View Nilapitan ko ang kapatid ni Milet. "Alexi, ano'ng nangyari sa 'yo?" Nalukot ang magandang mukha ni Alexi. "Pinatay nila ako, Rod. Kami." Saka ito tumuro sa loob ng yungib. "Ano ang mayroon sa loob? Saka teka, naririnig ko na kayo?" manghang tanong ko sa kapatid ko at kay Alexi. "Narito ka sa mundo namin, Kuya, at isa ka na ring kaluluwa," paliwanag ni Rich. "Halika na." "Ano ang mayroon sa loob?" "Malalaman mo, Kuya." Pumasok kami sa loob ng yungib. Sanay siguro ang mga kaluluwa sa dilim, aninag ko pa rin ang paligid kahit madilim at amoy ang kakaibang sangsang nito. Matatalas ang mga bato sa loob ng yungib. Nakarating kami sa pinakaloob nito. May ilan akong naaaninag sa gitna ng yungib... mga kaluluwang nakatipon sa mga katawan ng mga taong naaagnas na. Masangs

