CHAPTER 14

1006 Words

Arlene's Point Of View "Daplis lang ang saksak niya pero marami ring dugo ang nawala sa kanya, mabuti na lang at match ang kaibigan n'yo na narito. Wala na rin kasi kaming stock ng dugo rito sa ospital," saad ng doctor na naka-assign kay Rod. Itinuro nito si Emman. Isinugod namin siya sa Polymedic ng San Joaquin matapos masaksak sa gubat. Halos mataranta ako habang magkatulong na binuhat ng isang tauhan ni Papa at ni Emman si Rod palabas ng gubat. Mabuti na lang din at alam ni Emman ang daan, nakasalubong din namin sina Kuya Drei habang palabas ng kakahuyan. May tama sa braso ang isang kasamang bodyguard ni Kuya. Si Kuya Drei ang nanguna sa pagbalik sa bungad kung nasaan ang kotse niya. Humiwalay na rin sina Angelo, Emma at dalawa pang tauhan ni Papa pabalik sa mansyon. "Maraming salama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD