DREI Nakarating kami sa ospital. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napansin naming nadagdagan ang security nila sa labas pa lang. May dalawang guards sa pinto na naka-uniform habang may dalawang nakasuot ng puting polo at may radyo na hawak. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pinapatigil ng guards sa entrance ang mga pumapasok; mukhang tinatanong kung ano ang purpose ng pagpunta sa ospital, at matagal na tanungan ang nagaganap. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ano ang nangyayari kaya?" tanong ni Wesley. "Bigla silang naghigpit ah." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Baka may kinalaman sa nangyari kay Rod dito," tugon ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumigil kami nang ilang metro mula sa entrance. "Ako ang bahala," sambit ni Wesley. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lumakad ito palapit sa entrance saka sinapo ang tiyan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


