CHAPTER 21

728 Words

Nakabalik na kami sa mansyon at naiuwi si Rod. Mas ligtas siya sa bahay kaysa sa ospital. Hindi pa namin alam kung ano ang inililihim ng ospital na iyon. May hinala na rin ako na posibleng kilala nila si Rod. Umingay ang pangalan niya dahil sa kasong naresolba nila ng kapatid ko sa Doña Trinidad University. Paniguradong may nakakilala sa kaniya at puntirya siya ng mga kalaban. Ni minsan ay hindi pa ko ngkamali sa kutob ko. Todo alaga ang kapatid ko sa kaniya, halos hindi ito natutulog mabantayan lang ang kasintahan. Hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako ay nakabantay rin kay Milet. Nag-aalala ako dahil hindi siya gaanong kumakain matapos ang pagkatuklas namin sa nangyari sa kapatid niya. Hinatiran ko siya ng pagkain kaninang umaga sa silid pero hindi niya ito ginalaw. Nakasilip lang si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD