Chapter 34 Love is in the air Suzy Azarcon "Go, Abbey Mt. High!" "Hoo! Go, Chanpo International High!" I can't help but cover both my ears because of all the cheering. Nakakairita! Lalo na noong dumaan ako sa harap ng cheerers ng Chanpo International High. Parang may balak yata sila na bingawin ako. Gigil na gigil! Nang sa wakas ay nakaupo na rin kami kasama ng students ng Abbey High, nakahinga na ako nang maluwag. At least dito, kahit papaano ay prim and proper pa rin ang mga tao. Sa kabila kasi ay parang may rambulang nagaganap. Sigaw kung sigaw, hampas ng bote kung hampas. Natatakot na lang ako para sa mga braso nila. "Grabi, mga tih!" bulalas ni Gerimhae sa likod ng nakabibingaw na ingay. "Napaka-wild naman naman ng Chanpo. Daig pa ang finals." Exaggerated pa siya nang paypayan

