Chapter 35 A little spice Suzy Muli kong inuntog ang ulo ko sa study table at umingit. Pinukpok ko pa ang sarili ng makapal na biology book para pagalitan ang sarili ko. Sobrang kahihiyan ang naranasan ko kanina kaya wala na akong kapal ng mukha na maihaharap sa mga tao. Sa dami ng mga nakapanood kanina, tiyak na halos lahat ng mga estudyante na naroon ang nakakita sa may tagos kong uniform. Isa sa mga bagay na alam kong lahat ng kababaihan sa mundo ay makararamdam na lang ng hiya sa parte ko. “Okay lang ‘yan, Sue.” At ito si Gerimhae, hindi ko alam kung gusto niya ba akong i-comfort o hindi lang niya talaga alam kung ano ang sasabihin. "Gerimhae is right. Naranasan ko na rin iyan. Noong unang beses na nagkaroon ako, naglalaro kami kasama ang mga pinsan ko. Then, biglang umulan. Syem

