24 Suzy "Mami-miss kita," bulong sa 'kin ni Mervin habang bahagyang nakanguso. Kasalukuyan kaming palabas ng school habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Kasabay rin namin ang mga kaibigan namin na nauunang maglakad sa 'min. Ngayon ang araw kung saan uuwi kaming lahat sa bahay namin. Ngayon na kasi ang simula ng Christmas vacation. May ilang nakauwi na kanina pang umaga pero ngayon kami aalis ng hapon para hindi masyadong maraming tao. "Parang ilang linggo lang naman tayong hindi magkikita. Makaarte ka parang isang taon tayong maghihiwalay." "Hindi mo kasi naiintindihan!" Parang bata talaga siya kung magmaktol. "Ano kasi ang hindi ko maintindihan?" Ginaya ko naman ang tono ng pananalita niya. Nakanguso siyang sumagot, "Hindi ko na yata kayang mabuhay nang hindi ka nakakasama."

