23 Suzy "Nandito na pala kayo," bungad sa 'min ni Larianne habang naglalakad palapit sa 'min. Naka-itim na rin siya na damit tulad ng mga tao sa loob. Nakaputi naman kaming lahat kaya sa tingin ko ay ayos lang. "Akala namin hindi na kayo darating!" biro pa ni Marco sa 'min. "Pasensiya na," paghingi ko ng paumanhin. "Ito kasing dalawang 'to, gumawa pa yata ng pelikula nila," nakangising pang-aasar ni Marvin. "Really? Did they kiss?" tanong ni Gerimhae. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. May pagka-psychic yata ang isang 'to. Nakakatakot! "Why don't you ask them that?" Bwisit ka talaga Marvin! Magsama kayo ng kuya mo! "Well, kailangan pa bang itago 'yon?" nakangising pag-amin ni Mervin kaya siniko ko siya nang malakas sa tagiliran niya. Kinantiyawan naman kami ng

