Lia Hindi alam ni Lia kung saan siya nagkamali. After she gave herself to Andrei ay nabuo ang desisyong gusto niya talaga itong makasama kahit walang assurance na hindi ito magpapakasal sa iba pero sa halip na magkaayos sila ay kabaligtaran ang nangyari. Kung dati siya ang umiiwas kay Andrei ngayon ay iba na ang sitwasyon. Si Andrei na ang umiiwas sa kanya although he tried to be civil towards her kapag nasa paligid ang anak nila. Nasasaktan siya syempre. Parang balewala dito ang naganap sa kanila gayong napakaimportante noon sa kanya. Maybe what you need is to talk with him. Iyon ang suhestyon ng utak niya. Tama naman. Kailangan talaga nilang mag-usap. Kahit nahihiyang siya ang unang mag-approach dito ay dapat niyang palakasin ang loob. It's now or never. Itiniyempo niyang naglalaro

