Andrei Mas matigas ang PUSO ni Lia kaysa sa ulo nito. Iyon ang napatunayan ni Andrei. Sinimulan niyang duma-MOVES dito ngunit wa-epek. Parati nitong nire-reject ang advances niya sa pamamagitan ng pagpapatay malisya. Naiinis na siya. Minsan gusto niya nang sumuko ngunit sa tuwing maiisip ang anak ay nagkakaroon ng boost ang kumpiyansa niya sa sarili na kaya niyang wasakin ang napakatayog na PRIDE nito. "May mali kasi sa ginagawa mo."sabi ni Shane bago humagikgik. Panauhin nila sa beach house ang babae. Sa ilalim ng punong manga sila nagkukuwentuhan. At kahit hindi niya sinabi dito ang problema niya ay waring nahuhulaan iyon ng sinumang taong kaharap niya. "Paanong mali? Nag-import na nga ako ng tulong."sabi niya na ang tinutukoy ay si Andrew maging ito ay kasama na sa kalokohan. "

