|CHAPTER TWENTY TWO| "MAY masakit pa ba sayo?" Tanong ni sir Alexander nang umupo ako sa sofa ko. Inilingan ko lang siya at nag-iwas ng tingin. Naaalala ko na naman kasi ang mga sinabi ko sa kaniya no'ng nag-away kami. Hindi ko alam kung ba't nasabi ko 'yon. Nadala lang yata ako sa emosyon ko no'n. "May gusto ka bang kainin? O inomin?" Tanong niya ulit. Sa pagkakataong 'to ay tinignan ko na talaga siya. "Okay lang ako sir. Huwag na po kayong mag-abala." Seryoso kong sambit. Napabuntong-hininga siya at lumuhod sa harap ko para maabot niya ako na nakaupo sa sofa. "Look, Maddison. I'm sorry sa ginawa ko. I didn't mean to shout at you. Hindi ko sinasadyang masigawan ka. Nadala lang ako sa emosyon ko no'n. Please forgive me." Nagsusumamong aniya. Nginitian ko nalang siya at tinignan

