|CHAPTER TWENTY THREE| BIGLA AKONG natutula sa inamin ni sir Alexander. Natulos ako sa aking kinauupuan. Hindi ko agad marihistro sa aking isipan kung ano ang sinabi niya. Gulat na gulat ang mukha kong nakatitig sa kaniya na ngayo'y seryoso na ang mukha at wala na ang ngisi na nasa kaniyang mukha kanina. " N-nagbibiro ka lang 'diba?" utal ang boses kong tanong. Napabuntong hininga siya . "Nagpapakita sa video na 'yan ang katotohanan Maddison. Buntis ka, at ako ang ama ng pinagbubuntis mo. " aniya. Kaya ba? Kaya ba napakapamilyar niya para saakin? Ang mata niya. Ang pamilyar niyang mga mata. Napakurap muna ako ng aking mga mata at tumayo. Parang may namumuong luha sa mga mata ko na gustong lumabas. ''Where are you going?'' tanong niya nang tumayo ako. Hindi ko alam kung anon

