|CHAPTER TWENTY FOUR| MAKALIPAS ang ilang linggo. Pinilit ako ni Alexander na tumira sa kaniyang bahay. Ang rason niya ay para daw mas mabantayan niya kami ni baby at mas malagaan. Humindi ako no'ng una dahil ilang araw palang kami nagkakamabutihan at medyo madali naman kung titira agad kaming dalawa sa bahay niya. Pero wala akong naging laban sa huli dahil talagang gumawa siya ng paraan para hindi na ako makahindi pa. Pati sa pagtatrabaho sa opisina ay hindi na niya ako pinapayagan. Dahil daw malaki na ang tiyan ko, hindi na daw ako pwede magtrabaho o ma-stress. Kaya sa bahay na talaga ako. Naglilinis nalang at hinihintay siyang dumating. Para kaming mag-asawa sa ganitong set up. At nagugustuhan ko naman 'yon. Noong isang araw din lang ay dinalaw namin ang condo niya kung saan may unan

