|CHAPTER TWENTY FIVE| "WHAT do you mean?" nagtataka ang boses ni Alexander sa tanong na 'yon at bumaling kay ma'am Lea. ''Mom, what's the meaning of these?'' tanong niya dito. Ako naman ay kumuha ng tubig para pagaanin ang loob dahil sa tensyon na pumapalibot saamin ngayon. Habang si ma'am Lea ay napabuntong-hininga nalang. ''Son. Napagdisisyonan namin na ipakasal kayong dalawa ni Bella. It's for your own good also. Makukuha mo ang mana mo and magiging sayo na ang kompanya. Atsaka, hindi ka naman bumabata. Gusto na din naming ng daddy mo ng apo.'' Turan ni ma'am na ikinaubo ko,dahilan para tumalsik ang konting tubig na aking iinomin sana. ''S-sorry...'' ani ko at yumuko. ''What?! I can't marry that woman!'' halos pasigaw nang sabi ni Alexander. ''Why not Alexander? I understand that

