|CHAPTER TWENTY SIX| DALAWANG ARAW mula no'ng umalis papuntang Italy si Alexander. Nagtatawagan lang kaming dalawa kung gabi. Kung sa umaga naman ay text-text lang dahil busy daw siya masyado. Inaamin kong nami-miss ko ang presensya niya dito sa bahay pero wala akong magawa kasi trabaho niya 'yon. Nang sumapit ang gabi at ang oras na tatawagan niya ako ay nakahiga na ako saaming kama. Ilang minuto ang hinintay ko ngunit walang tumawag saakin. Naghintay pa ako ulit pero nag-isang oras nalang ay walang Alexander ang tumawag. Napabuntong hininga ako habang tinititigan ang aking cellphone. Baka busy lang siya kaya hindi siya nakatawag saakin ngayon. Inilapag ko nalang ang aking cellphone at umayos ng higa. Bukas siguro ay tatawag na siya ulit saakin. Ngunit kinabukasan ay wala parin

