|CHAPTER SEVENTEEN| NANLAKI ang mga mata ko ko nang makita ang kotse ni Sir Alexander na nakaparada sa labas ng bahay ko. Anong ginagawa niya dito? Lumabas ako ng bahay para salubungin siya. Buti nalang at nakapagbihis na ako para sa lakad ko mamaya kaya kumportable akong hindi magmumukhang sabog sa harapan ni sir. "Sir! Bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit. Nagkibit balikat lang itong tumingin saakin. "Sasama ako sayo." Aniya na ikinakunot ng noo ko. "Ha? Bakit po sir?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. "Stop asking questions Miss Hernandez at i-ready mo nalang ang mga dadalhin mo." Turan niya at pumasok sa bahay ko. Nakaawang ang labi kong nakatingin nalang sa kaniya habang pumapasok. Seryoso siya?! Sumunod ako sa kaniya at nadatnan kong dala-dala nito

