CHAPTER SIXTEEN

1283 Words

|CHAPTER SIXTEEN| "KAMUSTA naman ang pagbubuntis mo?" Tanong ni Denisse nang magpunta silang tatlo sa bahay ko kinagabihan. Ngumiti ako sa kanila. "Okay lang naman kami ni baby." Sabay haplos ko sa aking maumbok na tiyan. "'Diba sa susunod na araw na ang anniversary ng orphanage na kumupkop sayo?" Tanong naman ni Chelsy. Tumango ako. "Eh anong plano mo?" Dag-dag na tanong ni France. "Siguro magpapaalam muna ako kay sir na hindi muna ako papasok sa opisina para madalaw ko silang sister doon." Sagot ko sakanila. Napatango-tango naman sila sa sinagot ko. "Sasama kayo?" Ako naman ang nagtanong. "Pasensya ka na Maddy pero may lakad kasi ako sa araw na 'yan." Si Chelsy. "Ako rin! Mag a-anniversary na kasi ang kompanyang pinagta-trabahuan ko kaya hindi rin ako makakasama. Sorry Maddy."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD