CHAPTER EIGHT

1130 Words
|CHAPTER EIGHT| LUMIPAS ang isang buwan ay lumalala ang paglilihi ko. Kagaya nalang ngayon. Alas 9 na ng gabi at napagdisisyonan kong lumabas para bumili ng mangga at pakwan. Ubos ko na kasi kanina 'yong binili ko noong isang araw. Kahit alam kong delikado na ay ginawa ko parin. Naglakad lang ako para makahanap ng mga nagtitinda pa sa oras na 'to. Ilang minuto ang ginugol ko sa paglalakad. Paniguradong malayo na ako sa bahay ko. Wala pa kasi akong nakikitang nagtitinda pa sa mga oras na 'to eh. Nang makakita ako ng may nagtitinda pa ay nagliwanag ang mukha ko. Buti nalang. Takam na takam na kasi ako. Ngunit napadaan pa ako sa mga tambay na nag-iinoman. Ramdam ko ang tingin nila saakin. "Chics pare oh.." Rinig ko sambit ng isa sa kanila. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso nalang doon sa nagtitinda. "Ate pabili po ng mangga at pakwan!" Sambit ko sa nagtitinda na na inilagay sa isang plastic. "Etoh po bayad ko." Muli kong sambit sabay abot sa plastic at bigay sa bayad ko. Tumalikod na ako sa tindahan na 'yon at tinignan ang mangga at pakwan na binili. Napangiti ako. Sa wakas.... Muli ako naglakad at maghahanap sana ng masasakyan ngunit sa unahan pa yata nakatambay ang mga motor. Kaya maglalakad nalang ako patungo doon sa sakayan. Nadaanan ko naman ulit ang mga tambay kanina. Hindi ko parin sila pinansin kahit ramdam ko parin ang titig nila saakin. Habang naglalakad ako ay ramdam ko naman na sinusundan na nila ako. Mula sa paglalakad ay lakad-takbo na ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng kaba at panganib. Naglakad-takbo ako hanggang sa tuluyan nang tumakbo at nabitawan ang plastic na dala ko kanina. Ramdam ko rin ang pagtakbo nila sa likod ko. Sinusundan Pa talaga ako. At sa kasamaang palad ay halos wala ng mga tao sa paligid na 'toh. May mga bahay pero konti lang at siguradong tulog na ang mga tao. Sa pagtakbo ko ay bigla akong nadapa kaya nahagip nila ako. "Tatakbo ka pa eh mahuhuli ka rin naman namin!" Sambit ng isa sa kanila at nagtawanan. "Ang kinis naman ng legs mo miss." Turan naman ng isa pa at hinipo ang aking legs. "Ano pare? Tikam na natin?" Tanong nong lalake kanina kaya doon na ako napasigaw. "Tulong! Tulong! Tulo--" Napahinto ako sa pagsigaw nang tinakpan nong isa ang bibig ko. Nagsimula na akong umiyak habang nararamdaman ko ang mga kamay nila sa paa ko. "Hmmpp--tu--hmpp!" Pilit ko parin sa pagsisigaw kahit nakatakip ang kamay nila sa bibig ko. Nagtawanan lang sila at akmang huhubarin na ang pants ko nang bigla nalang nagsitumbahan. Pinagsusuntok sila ng lalake. Ako nama'y napayakap nalang sa aking tuhod at umiyak. "Mga gago!!" Sigaw nito sa tatlong lalake. Pinagsusuntok niya ito at pinagsisipa hanggang sa nakatiyempo ang mga lalake at tumakbo. "Tumakbo kaayo mga gago!! I'll make sure na makukulong kaayo!!" Sigaw nito sa mga nagtangka saakin. Humarap ito saakin at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si sir Alexander. Galit ang mukha nitong lumapit saakin. "Are you okay?" Tanong nito na pilit pinapakalma ang boses. Tumango nalang ako ng mahina sa kaniya habang umiiyak parin. "Let's go. Iuuwi na kita." Sambit nito at tinulungan ako sa pagtayo. Nang makapasok kami sa kotse niya ay agad niya itong pinaharurot. "Ano ba ang ginagawa mo at lumabas ka pa sa ganitong oras?" Bakas parin ang galit sa boses nito na pilit pinapakalma. Tumingin ako sa kaniya. "B-bumili ako ng m-mangga at pakwan.." sagot ko. Tumingin din naman ito saakin na hindi makapaniwala ang. "Seriously?! Lalabas ka sa ganitong oras para lang sa mangga at pakwan? Are you crazy?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. Yumuko nalang ako at 'di na sumagot. Mahina nalang itong nagmura at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng bahay ko. Nang huminto ang sasakyan niya ay dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. "S-salamat po sir sa p-pagligtas saakin." Pasasalamat ko sa kaniya. Tumingin din ito saakin ng mataman. "Huwag ka na munang pumasok bukas. Babalik ako rito." aniya kaya napakunot ang noo ko. "P-po? P-papasok po ako b-bukas si--" "I said huwag ka munang papasok at babalik ako rito bukas sa bahay mo. Now, get inside your house and lock all the doors." May pinalidad na sa boses nito kaya tumango nalang ako at lumabas ng kotse. Nagsimula na akong maglakad papasok sa bahay ko. Hindi ko na ulit binalingan ang likod ko at pumasok na nang tuluyan. Nang makapasok ako ay ginawa ko ang sinabi niya. Ini-lock ko ang pinto ng bahay ko. ________________ NAALIMPUNGATAN ako kinabukasan nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng bahay ko. Napilitan akong bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto para pagbuksan ang kumakatok. Hindi ko na din pinakealaman ang itsura ko. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng mapagtanto kung sino 'yon. Si sir Alexander! Bigla ko naman naalala ang sinabi niya kagabi. Naku! Nakakahiya! Paniguradong ang gulo ko tignan sa itsura ko ngayon. Hindi pa naman ako nakakasuklay ng buhok ko. "S-sir... p-pasok po kayo." Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya. Umupo naman ito sa sofa ko. "Pasensiya na po sir. H-hindi po ako nakapag-ayos kaya ganito ang itsura ko." Hinging paumanhin ko sa kaniya. Ni-hindi man lang siya tumango o ngumiti. Nakatingin lang talaga siya ng blangko saakin. "A-ahh ano po gusto niyo? Gusto niyo po ng kape?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang ito. "Magbihis ka. Aalis tayo." Turan nito. "H-ha?" Nairita naman ito sa reaksyon ko. "Magbihis ka na! Aalis tayo!" iritable nitong turan kaya sumunod nalang ako at pumasok sa kwarto para maligo. Ang sungit talaga..... Ilang minuto naman ang ginawad ko sa pagligo. Kahit sa susuotin ko ngayon ay nag iis- struggle pa ako. Ewan ko ba. Noon naman ay wala akong pakealam sa mga sinusuot ko. Pero kasi ngayon feeling ko kasi na dapat akong mag-ayos ng maganda para maganda din sa paningin ni sir Alexander. Para kasing dapat akong maging presentable kung humaharap sa kaniya. Pagkatapos kong makapili ng susuotin ay nag make up pa ako. Nang makatapos sa paghahanda ay lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko pang nakaupo parin siya sa sofa ko. Parang gusto kong matawa sa itsura niya ngayon na naiirita habang nakaupo. Tumikhim ako kaya napatingin siya saakin. Nakita ko pa ang pagtigil niya at pagtitig saakin. Parang gusto ko naman ngayon ngumiti. Pero agad din naman naging blangko ulit ang mukha niya at naglakad palabas ng bahay. "Let's go." Malamig ang boses na wika nito. "Ang sungit talaga. " Bulong ko nalang at sumunod na sa kaniya. _________________ Follow me on w*****d: @Miss_Lashie PLEASE VOTE! COMMENT! AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS! Add me on f*******:: @Lashie WP
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD