|CHAPTER SEVEN|
PAGKATAPOS ng dramahan naming magkakaibigan kanina ay umuwi na nga sila.
Sinabihan pa nila ako na mag-ingat kasi buntis pa naman daw ako.
Pagkalabas nila ng bahay ko ay agad kong ni-lock ang pinto ng aking bahay at naghanda na sa pagtulog.
Kinabukasan ay balik ulit ako sa trabaho.
Napabuntong-hininga nalang ako nang makita ang papers na sandamakmak sa table ko.
Ito 'yong aasikasuhin ko dapat kahapon pero hindi na natuloy dahil kina sir.
Huminga nalang ako ng malalim pagkatapos ay umupo na at sinimulan na ang pagtatrabaho.
Kailangan ko nang tapusin ito ngayon kasi kailangan na ito ni Sir Alexander bukas.
___________________
SUMAPIT ang lunch time pero 'di parin ako natatapos sa trabaho ko.
Hindi ko na inabala pa na kumain dahil baka hindi ko kaagad ito matapos.
Sorry nalang sa baby ko.
Kailangan ko na talaga 'tong tapusin ngayon para handa na ibigay kay Sir Alexander bukas.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
Ngunit ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni sir.
Lumabas siya doon at naglakad papunta sa...direksyon ko.
"Kumain ka na ba ng lunch mo Miss Hernandez?" Tanong nito.
Ang ekpresyon pa rin ng kaniyang mukha ay blangko.
Bigla naman akong naasiwa. "A-ahh hindi pa po sir." Nauutal kong sagot.
Bumaling naman ito sa kaniyang relo. "Why? It's already 1 PM."
Napakurap naman ako at napahagod sa tiyan ko.
Patay, ang baby ko.
"Stand up Miss Hernandez. We will eat lunch together." Sambit nito dahilan para mapatingin ako sa kaniya na gulat ang emosyon.
"P-po?" Tanong ko dahil baka mali lang ang narinig ko.
"I said, tumayo ka na diyan kasi sabay na tayong kakain ng lunch." Matigas ang boses nitong ani at nagsimulang maglakad.
"Hurry up!" Sigaw nito nang malayo na siya kaya natataranta nalang akong tumayo pagkatapos ay sumunod sa kaniya.
Himala yata ang nag-aya siyang kumain kasama ako?
Napatanong nalang ako sa sarili at sumabay sa kaniya sa elevator.
Kami lang dalawa ang nasa elevator na 'to.
Nasa likod niya ako habang siya ang nasa harapan ko.
Nabigla naman ako nang pinindot niya ang first floor eh wala naman doon ang cafeteria ng kompanya
Bumaling ako sa kaniya na nagtatanong ang mukha.
"A-ahh sir. Saan po tayo kakain? 1st floor po kasi ang pinindot niyo eh wala naman po doon ang cafeteria." Tanong ko.
Tumagilid lang ang mukha nito. "Kakain tayo sa isang restaurant." 'yon lang ang sinagot niya at humarap ulit.
Nagtataka man ay tumahimik nalang ako hanggang sa tumunog na nga ang elevator.
Nang bumukas 'yon ay nagsimula ulit siyang maglakad.
Nakasunod lang ako sa kaniya.
Lumabas kami ng building at tumawid.
Parang kakain kami sa restaurant na katapat lang ng building ng pinagta-trabahuan ko.
Isa 'yong Italian Restaurant.
Nang makapasok kami doon ay agad kaming umupo sa bakanteng upuan at tinawag niya ang waiter.
Lumapit saamin ang lalakeng waiter at ibinigay saamin ang menu.
"Mag-order ka ng mga gusto mo. My treat." Turan ni sir habang ang mukha nito ay nakatutok lang sa menu.
Tumango nalang ako at binalingan ang menu.
Pagkatapos kong makapili ay sinabi ko kaagad sa waiter ang order ko. Isinulat naman nito sa isang papel.
Sinuri ko naman ang waiter.
Napaka-cute naman niya. Habang ngumingiti kasi siya saakin ay nakikita ang dimples nito na nasa magkabilang pisngi.
Nginitian ko din siya.
Ngunit napawi lang ang ngiti ko nang tumikhim ang kaharap ko at sinabi na ang order nito sa malamig na boses.
Pagkatapos niyang sabihin ang order niya ay yumuko na saamin ang waiter. Hudyat na aalis na siya.
Habang naghihintay naman kami sa order namin ay nakatitig naman saakin ang kasama ko.
"B-bakit po sir?" Tanong ko dito.
Tumitig lang siya saakin ng mataman. "Your face is so familiar..." Mahinang turan nito.
"P-po?" Nagtataka kong tanong.
Umiwas naman ito ng tingin at umiling. "Nothing." Sagot niya.
Tumahimik nalang ako.
Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin.
"Enjoy your food Ma'am and Sir!" Masayang turan ng waiter kanina at umalis ulit.
Nagsimula na akong kumain at napapikit sa sarap ng pagkain.
"Ang sarap talaga dito..." Bulong ko at kumain ulit.
"Nakapunta ka na ba dito Miss Hernandez?" Bigla nalang tanong ng kaharap ko kaya napabaling ako sa kaniya.
Tumango ako. "Opo. Kasama ko 'yong kaibigan kong lalake. Si Zed. Nilibre din po niya ako dito noon." Maligaya kong sagot sa tanong nito.
Tumalim naman ang titig nito saakin kaya napahinto ako sa pagkain.
"Don't ever mention the name of that guy if you're with me." Matigas ang boses nitong sambit at kumain na.
Ako nama'y natahimik at kumain ulit ng dahan-dahan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalang ang nasabi niya.
Mali ba na binanggit ko ang pangalan ni Zed?
Wala namang masama doon ah.
PAGKATAPOS naming kumain sa restaurant na 'yon at magbayad ay lumabas na nga kami.
Tumawid ulit kami papuntang building.
Habang naglalakad kami ay hindi ako komportable.
Paano ba naman.
Tingin nang tingin si Sir Alexander saakin.
Nag-iinit tuloy ang magkabila kong pisngi.
Ewan ko ba! Para akong teen-ager na kinikilig kasi 'yong crush ko tingin nang tingin saakin.
Ngunit bakit ganon? Hindi ko naman crush si sir ah.
Pero....hindi nga ba?
Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naiisip.
Boss ko siya. Secretary niya lang ako.
Hindi pwede 'yon. Hindi kami bagay.
Napailing nalang tuloy ako at binaling nalang ang atensyon sa paglalakad papasok sa building.
"Thank you po pala sir..." Pagpapasalamat ko kay sir nang makalabas kami ng elevator at nakabalik sa floor kung saan nandoon ang opisina niya at ang table ko.
"Welcome." Ikling tugon nito na hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Maddison!" Napatingin kami sa tumawag ng pangalan ko.
Si Zed.
Tumakbo ito palapit saakin.
"Saan ka galing kanina? Wala ka sa cafeteria nang pumunta ako doon. Kumain ka na ba?" Tanong nito saakin.
Tumikhim naman ulit ang katabi ko kaya napabaling si Zed sa kaniya at yumuko ng bahagya.
"Good afternoon sir." Bati nito kay Sir Alexander.
Hindi man lang ito tumugon kay Zed at naging blangko ulit ang tingin.
"Ahm.... kumain na ako Zed." Sagot ko sa tanong ni Zed kanina.
Ngumiti naman ito saakin.
"Go back to work Miss Hernandez. I need the papers for tommorow. Ikaw din Mister Zed. Oras na ngayon ulit sa pagtatrabaho." Sambit naman ni sir sa malamig na boses at naglakad na patungo sa opisina nito.
"Ang sungit niya talaga." Mahinang sambit ni Zed kaya bahagya kong sinapak ito.
"Baka marinig ka pa niyan eh.." Ani ko.
Umismid lang ito. "Babalik na ako sa mesa ko. Mamaya nalang ulit." Turan nito at bumalik na nga sa mesa niya.
Ganun din ang ginawa ko.
Bumalik ako sa pagta-trabaho sa mga papers at binaling ang atensyon doon.
__________________
Follow me on w*****d:
@Miss_Lashie
Don't forget to
VOTE!
COMMENT!
AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS!
Add me on f*******: :
@Lashie WP